Ito nanaman tayo at matutulog na kailangan ng magpahinga dahil natapos nanaman ang maghapon at umaga. Papatayin nanaman ng mga umaaligid na hiwaga ang isipan at hindi ka papatulugin ng kadiliman sa iyong panaginip.
Sabadong walang pinagbago. Pabangong nagpapaalala sayo na kailangan mo ng ibahin ang takbo nang bawat araw mo at ikot ng sarili mong mundo.
#blipxblip#beautifullifeispossible
Kung may dumating. Tanggapin.
Kung may manatili. Yakapin.
Kung walang nararamdam pwedeng lumisan, pero sana ikaw ay magpaalam.
#blipoetry#beautifullifeispossible
Tayo ay mabubulag
Sa katotohana't kasinungalinan
Sa mundong tayo lang ang may alam
Tayo lang ang nagmamahalan
At walang dapat makialam
#blip#Poetry_Planet#tagalogpoet#tula
"UDYOK"
Dalawang dipang layo
Mabilis na tibok ng puso
Ako'y hindi na mapakali
Sa upua'y may sinasabi
Ang daming ibinubulong
Hindi alam kung anong tugon
"Sige na sindihan mo lang tsong"
Bulong ng demonyo sa kanyang kampon
#blipxblip#beautifullifeispossible
Ang iyong ganda'y lilipas din
Tulad ng pag-ibig natin
Parang isang umagang,
Ako'y gigising at wala kana sa piling
Parang isang pabango
Na ikaw agad ang maaalala ko
At isang masayang ala-ala
Na kailangang kalimutan ko
#blipxblip#blipoetry#poetry_lovers#poetko