Ako ay isa lamang ipis
Hindi alaga ninuman
Walang magandang pakpak na kayang sumayaw sa alapaap
Dahil ang aking kapalaran ay rito lamang sa madilim na sulok ng palikuran
blu. ipis pt 3
Hindi tulad ng asong may pag-asang mailibing katabi ang mga halaman
Hindi tulad ng ibong kayang habulin ang araw bago pumanaw
Hindi tulad ng mga nabubuhay sa tubig na lumulutang upang abutin ang liwanag
blu. ipis pt 2
Hindi ko kailanman hiniling na mamatay sa malamig na sahig ng palikuran
Dahil mas nanaisin ko ang isang mabilis at payapang pagpanaw sa ilalamim ng araw
Ngunit ako ay hamak na ipis at ang aking labi ay lamang-tiyan para sa iilan
blu. ipis pt 1