Mga kababayan, maraming salamat sa inyong suporta sa iba't ibang kaparaanan, milyon-milyon na bumoto sa akin (54) at Makabayang Koalisyon. Umasa po kayo, patuloy kaming kikilos, kasama kayo, para sa kagalingan-interes ng taumbayan. 1/2
Para sa bawat kabataan na nais magka-diploma at makahanap ng trabaho;
Para sa bawat magulang na nagnanais maiangat ang kanilang mga pamilya;
Para sa bawat Pilipinong nagsusumikap at dumidiskarte;
Para sa bawat Pilipino na kumakapit sa katiting na pag-asa araw-araw;
PARA SA LAHAT NG PILIPINO,
taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat, sa Diyos, at sa taumbayan na nagtiwala at sumandal sa ating pagmamahal sa bayan.
MARAMING SALAMAT, MINAMAHAL NATING PILIPINAS! 🇵🇭
Mga minamahal kong kababayan, maraming salamat! Ang bilin ko lang, pakitanggal at pakitago ang ikinabit nating tarpaulin! Mahalaga sa akin yan—mula sa pawis ng ordinaryong mamamayan at natatanging alaala na minsan, buong tapang tayong nangahas upang makasilip ng kahit konting pagbabago sa pulitikang meron tayo!
Iikot po ako sa lahat ng mga tumulong upang magpasalamat. Sa pag-ibig man o sa pulitika, ayaw kong maging TOTGA! Kaya… walang iwanan. Patuloy na magbabantay ng pera ng bayan!
Sa Cagayan de Oro una akong pupunta, at sana kahit sa isang stick ng isaw, mag-kwentuhan tayo! Walang dapat ikalungkot. Maraming dahilan upang magpasalamat!
Sinisikap kong sagutin ang bawat mensahe, pero sa ngayon, tulog muna ang lola nyo. Unahin nating puntahan ang hindi ko nadalaw subalit mainit at masipag pa ring tumulong at sumuporta sa atin.
Papuri at pasasalamat sa Diyos na may likha—Siyang hinanap natin sa mukha ng ating kapwa. Sa kanyang pagmamahal at pagiging Dakila, niloob niyang isang biyaya ang kayo ay makasama, nakasaksi sa isang himala!
Cheer up na ha! Nakakapangit ang maging sad!
Isang araw pagkatapos ng eleksyon, may pumasok agad sa Senado, walang pahi-pahinga. Trabaho agad para isulong ang pagpaparusa sa mga employer na hindi nagbabayad ng sahod, overtime pay, holiday pay, at mga benepisyo (Wage Theft Bill).
Hindi titigil si Luke Espiritu para ipanalo ang laban ng mga manggagawa. Kahit anong mangyari, iyan ang panata ng #SenadorNgManggagawa.
#LukeForwardTayo