i've reached my threshold. huli ko naranasan ito ay grade 9. pinagkaiba nga lang ay mas mabigat ngayon. tunay na buhay na kasi ang pinag-uusapan. but sa kabilang banda, great thing na nangyari ang mga bagay na ito. dahil alam kong naitawid ko at mas handa ako sa mga susunod.
napaka devastating ng nangyari. iritable ako sa lahat. hindi ko rin maintindihan kung bakit. baka dahil marami akong tanong o kaya naman mga gustong mangyari na malayo sa kalooban ng Diyos.
after all, Siya pa rin naman magtatakda ng lahat. kaya tamang ikalma ko lang.
huwag niyo lang palaging kalimutan iusal ang mga papuri sa Maylikha,sa gitna man ng kasapatan at kasalatan. bumabad nawa kayo sa pasasalamat.
ipanalangin niyo akong kawal at alipin Niya.ibilin niyo na ako'y Kaniyang pagtibayin at ihanda sa ipapakita niyang lubos na pagpapala.
3
patawad kung mananaig ang lalim at haba ng gabi ngayon. huwag mag-aalala sapagkat darating pa rin naman sa oras na inaasahan ang mga ngiti ng umaga. nasa giyera man, huwag matakot pagkat tahimik ang magiging pakikipagbaka.
1
malalaman mo lang na tapos na tunggalian dahil ang tagumpay mismo ang sisigaw para rito.
para sa lahat, isa lang ang hiling. sa aki'y manatili at hintayin na bukas o sa makalawa ay hindi na kailangan mangamba pa.
--dahil tapos na ang araw ng pagtitiis na napagtagumpayan na.
2