mahiya naman kayo sa mga magsasaka, manggagawa, at mangingisda na araw-araw nakikipagbuno sa kabila ng hirap ng buhay. kayo pa talagang privileged ang may ganang magreklamo at "mawalan ng gana"? :)
sabagay, anong alam ninyo sa pagiging dukha at anakpawis eh maski magsalita naman kayo o hindi, ligtas kayo sa kanya-kanya ninyong condo at mansyon.
"Bakit nandun siya, researcher pala siya?"
"Bakit nandun siya, journalist siya?"
"Bakit nandun siya, community organizer siya?"
"Bakit nandun sila sa pugad ng NPA?"
"Bakit nandun sila kasama ang isang NPA commander?"
Wala man lang nagtanong, "Bakit pinatay na lang silang lahat?"
Namumundok din kami.
Dahil sa mga bundok matatagpuan ang mga katutubo. Kami ay mga boluntaryong guro, hindi terorista.
Bago mo tanungin kung bakit may mga kabataang pinipiling tumungo sa mga kabundukan, tanungin mo muna kung bakit hindi inaabot ng gobyerno ang mga lugar na ito.