Ang video na ito ay gawa ng China Daily — ang state-controlled media ng China.
Hindi ba’t nakakagalit na ang mismong bansang gumigipit sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea ang siya pang may lakas ng loob na gumawa ng video na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy na basta na lamang sumusunod sa Japan at Estados Unidos?
Isang caricature lang ay iniyakan na nila — nagfile pa ng diplomatic protest dahil binastos ko raw ang kanilang lider. Ngunit dito, sa video na ito na mahigit isang minuto, ang binabastos at minamaliit ay ang ating pagka-PILIPINO mismo!
Naaalala ko tuloy ang ilang senador na nagsabing kailangan ko raw humingi ng tawad sa China. Ngayon kaya, sasabihin din ba nilang ang China naman ang dapat humingi ng tawad — dahil tayong mga Pilipino mismo ang binababoy ng video na ito?
Mga kababayang Pilipino hindi po tayo UNGGOY, at huwag tayong pumayag na gawing UNGGOY! Ang mga hayop lamang ang mga nakakagawa ng ganitong pagturing sa kapwa tao at mas masahol pa sa hayop ang hindi marunong sumunod sa international law!
Wag kayo magpapaniwala dyan kay Pulong. Wala pang ICC warrant na lumabas para kanino man. Kung may lalabas man later on, siguradong di nya malalaman yan gaya nung di nalaman ng tatay nya na may warrant na sya.
@superhuman_jayc@TrillanesSonny Pero bago, dapat mapatunayan na at maconvicted na Sila Mans Carpio at IBA pa, maging Ang mga Duterte for drug money. Dahil pikit mata Ang mga DDS, amging sa Cebu Ang lala. Nagvote straight sila sa PDP.
@TrillanesSonny Dahil DDS mindset Sila. Ikaw Yung masama sa tingin nila dahil sa pag ungkat mo sa mga Buto na nakatago sa closet Ng mga Duterte. Ituloy Ang kaso laban kina Carpio at maging Ang accusation mo na Sina Duterte ay tumanggap Ng drug money. Dahil hanggat Hindi Sila convicted, wala
@inquirerdotnet Sindikato nga ito. Pasimple simple lang. Sana icheck Ang kanilang assets... Kasi nga spotted Sila na palaging nagdedepoait sa Singapore bank