Gitling (2023)
hindi mo ako kailangang halikan, hawakan—‘di mo kailangang amining mahal mo ko. sa pagitan ng katahimikan at ng pagkaing pinagsasaluhan natin, may gitling - doon, di ko sigurado ang ibig sabihin… pero may linya, may koneksyon. sasapat na yon.