Wala lang, thought dump lang guys. Currently, nag-aayos naman ako ng relief para sa mga kabarangay ko, and it’s safe to say na natutuwa ako na nagagawa kong maibahagi sa iba kung ano ang kaya kong ibahagi.
I’m grateful na mas na-iinvolve na ako sa community namin. Dito mas natututuhan ko ang halaga ng bawat piso. Nakatataba ng puso na makita na ang ilang daang piso o isang libong piso ay malayo na ang maaabot bilang tulong sa mga mag-aaral, manggagawa at iba pa.
I’m so happy na mas naiinvolve ko ‘yung sarili on community based projects, mas nakikita ko ang reyalidad na akala ko ay alam ko na. Masakit ma-isip at makita ang reyalidad ng mga Pilipino sa pangkabuoan, pero mas masakit at mas mauunawaan mo ito sa malapitan.