‘AKO PO AY CRIMINOLOGY GRADUATE’
Tinanong ni Senator-judge Robin Padilla kung dapat magkaroon ng panibagong probisyon sa batas ng AMLC kaugnay ng confidentiality.
Ayon kay AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, may mga nakabinbing panukala kaugnay ng pagpapalawak ng confidentiality.
Inihalintulad naman ni Padilla ang kanyang kurso sa proseso ng AMLC.
“Ako po ay criminology graduate, doon ako bumabagsak sa law enforcement. Sa amin may apat na bagay: Inquiry, investigation, evaluation, then conclusion. Kayo sa AMLC, nasaan na kayo?” tanong ni Padilla.
“Natapos ba ang investigation?” dagdag niya.
Ayon kay Buenaventura na hindi niya ito masasagot dahil hindi ito kasama sa subpoena. #VPonTrial