Gusto ko baguhin ang kwento, ang mangyayari. Gusto ko gawing masaya ang bawat tagpo, bawat pangyayari. Ngunit mawawalan saysay ang bawat tauhan, mawawalan halaga ang kahulugan. Ganito ang daloy pagkat may dahilan. Kaya hahayaan na lang na ganyan, kahit mabigat sa pakiramdam.
Umiiyak. Hindi dahil mahina. Kundi dahil naging malakas sa napakatagal na panahon. At masyado ng mabigat. Kailangan ng ilabas. At muling ipagpatuloy ang laban.
Hindi rason ang hirap na pinagdadaanan para balewalain ang mga taong nagmamahal sayo. Kahit kanino mo itanong mali ang ginagawa mo. Diko alam bakit dimo nakikita o sadyang wala ka lang pakialam kahit masira ang lahat sa inyo.
Inadd ko sa FB. Nagmessage ako sa messenger para maliwanagan. Pero yan lang matatanggap ko. Puro pambabastos. Ano pa nga ba, balewala lang naman ako sa kanya, kaya wala lang din sa KAIBIGAN niya.