For the first time, hindi ako makabuo ng mensahe! Kanina pa ako nag-aattempt. Ikaw 'yun… (Lord). Kayo 'yun!
Tumayo lang ako, bantulot sa simula. Walang malinaw na stratehiya. Walang makinarya. Walang pera. Pero maraming istorya! Nabuo sa kahabaan ng sanga-sangang daan na hindi mo alam kung ano ang patutunguhan.
Sa gitna ng mataong palengke na may kanya-kanyang teleserye. Sa iba't ibang tanggapan kung saan minsan, hindi mo alam kung ikaw ay may lulugaran.
Ako lang at si Roel sa simula—hanggang naki-halo na ang madla! Ilang beses nadapa, bumangon, at nanumpa: makikinig, mag-aaral, hindi iindahin ang sugat. Ibabangon at ipaglalaban… Babantayan ang kaban ng bayan!
Sa mga nag-ambag, sa lahat ng tumulong, sa lahat ng naniwala, sa lahat ng nagdasal, sa lahat ng umasa… Maraming salamat!
Mga minamahal kong kababayan, maraming salamat! Ang bilin ko lang, pakitanggal at pakitago ang ikinabit nating tarpaulin! Mahalaga sa akin yan—mula sa pawis ng ordinaryong mamamayan at natatanging alaala na minsan, buong tapang tayong nangahas upang makasilip ng kahit konting pagbabago sa pulitikang meron tayo!
Iikot po ako sa lahat ng mga tumulong upang magpasalamat. Sa pag-ibig man o sa pulitika, ayaw kong maging TOTGA! Kaya… walang iwanan. Patuloy na magbabantay ng pera ng bayan!
Sa Cagayan de Oro una akong pupunta, at sana kahit sa isang stick ng isaw, mag-kwentuhan tayo! Walang dapat ikalungkot. Maraming dahilan upang magpasalamat!
Sinisikap kong sagutin ang bawat mensahe, pero sa ngayon, tulog muna ang lola nyo. Unahin nating puntahan ang hindi ko nadalaw subalit mainit at masipag pa ring tumulong at sumuporta sa atin.
Papuri at pasasalamat sa Diyos na may likha—Siyang hinanap natin sa mukha ng ating kapwa. Sa kanyang pagmamahal at pagiging Dakila, niloob niyang isang biyaya ang kayo ay makasama, nakasaksi sa isang himala!
Cheer up na ha! Nakakapangit ang maging sad!
Tito Sotto? Na may gagawin pa raw sa Senado? Bakit hindi ginawa noong nandun pa siya?! Yung pamangkin lang niya yung gusto kong manatili at ma install sa position.
Bato Dela Rosa with his crying and not facing possible charges to ICC, blatantly seeking blanket to senate office if he will be questioned and arrested?!