Ang sakit lang kasi sanay ako na siya ‘yung takbuhan ko, tapos ngayon siya na rin ‘yung dahilan kung bakit ako nahihirapan. Hindi ko alam kung mahal pa ba ako o ako na lang ‘yung kumakapit.
Dati ramdam ko talaga ‘yung care at effort niya, ‘yung tipong kahit hindi ko sabihin na pagod ako, alam niyang may mali at gagawan niya agad ng paraan para mapagaan loob ko. Pero ngayon… parang ang layo na.