@dpwhcalabarzon Hello po good evening,
Meron pong ongoing project ang department ninyo sa ROAD 14 ABNAI LUPANG ARENDA TAYTAY RIZAL, nagsesemento po ng kalsada. Ngayon po, may part ng bahay namin na sumobra pero wala naman po kaming problema kung masasagi po ito.
Ang concern lang po ay nanghihingi ng ₱500 ang forman po ninyo para daw po matibag ang poste na nakaharang, tanong lang po if tama ba ito? hindi po ba kasama ito sa pondo mismo? pangkalahatan po ng pag gawa ng proyekto? Willing po kami magbayad if ito po ay valid.