Nakakulong na sa mga oras na ito si dating Sen. Bong Revilla sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.
Inaresto na rin sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza kaya hawak na ng mga awtoridad ang anim sa pitong ipinaaaresto ng Sandiganbayan kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Bago ngayon, nagpalipas muna ng gabi si Revilla sa tanggapan ng PNP-CIDG kung saan siya kusang nagpunta, sabay-diin na wala umanong due process.