MALAYA NA NGA BA? 🇵🇭
Isang napakahalagang mensahe mula sa aking amang si Sen. Jose W. Diokno ang gusto kong ibahagi sa inyo ngayong araw ng Kalayaan.
Panoorin ito!
@simp4jhomikha issue ko sa no. 6, anong “basta magsabi”, magkusa dapat! typical na aaksyon lang kapag may nagprotesta/umangal/nagdemand. wala bang accountability? pagiging makatao?
Praying for all the journalists risking their lives tonight just so the public can see the truth of what’s happening in the Senate.
There is no substitute for a free press. No alternative to people willing to stand in the middle of chaos so the country can witness the truth in real time.
In an airport, a “bomb joke” isn’t treated as a joke. It’s treated as a security threat. Context doesn’t save you. Intent doesn’t save you.
So why should presidential threats be dismissed as humor? When you are President, your words are CLEAR signals to police and military.
I have always wondered why we Filipinos rally so passionately around our victories in beauty pageants and international sports—cheering as one nation, claiming every crown or medal as a shared triumph that fills us with collective pride.
Yet when it comes to the issue of the West Philippine Sea, a vital part of our maritime jurisdiction and livelihood, some of our own countrymen feel detached, insisting it’s distant from their lives or unrelated to what we are truly fighting for.
This contrast is striking: we unite effortlessly for moments of glory and celebration, but struggle to muster the same shared ownership when defending something foundational to our nation's rights, resources, and future. 🇵🇭
On the evening of Tuesday, 30 September, a strong earthquake struck the central region of the Philippines, particularly the province of Cebu and its neighboring provinces. I express my closeness to the dear Filipino people, and in particular I pray for those who are most severely affected by the consequences of the earthquake. Faced with any danger, let us remain united and supportive in our trust in God and in the intercession of our Blessed Mother.
🚨FAKE NEWS ALERT🚨
Eto na mga resibo!
Kahapon, pinapakalat ng mga DDS na may project daw si Senator Risa Hontiveros na ghost project or unfinished sa Albay.
Eh yung pinost nila, kaka-award lang this September 24, 2025!
So siempre wala pa nakatayo duon haha!
Ang mas malala, sa photo na pinapakalat nila may kasamang mga parang unfinished or nakatiwangwang na structures pero hindi naman related sa actual project na nasa tarpaulin – kinuha lang nila from somewhere or yung mga katabing lupa or ibang projects sa Albay.
Lies travel faster than the truth talaga kasi naka isang buong araw na yung fake news.
Spread the truth so it can catch up!
#FakeNews
ISANG OPEN LETTER KAY G. ANTHONY TABERNA
Hindi Lahat ng Dumaan sa Plenaryo ay Insertion
Hi Anthony,
Kamusta ka na? I hope this letter reaches you in good spirits.
Narinig ko ang paliwanag mo tungkol sa issue ng “insertion” at kay Risa.
Ang intindi ko sa sinabi mo ay lahat ay insertion, kahit yung ginawa sa plenaryo o sa Bicam. Kapag naaprubahan sa plenaryo at dumaan sa Bicam, insertion na rin ‘yon.
At nang sabihin ni Risa na wala siyang ginawang “Bicam insertions” sinabi mo na “technical” ang sagot niya.
Pero Anthony, hindi ito pagiging technical, ito ay pagiging tapat sa proseso.
I. “Amendment” - Ang tanging kinikilalang termino ng batas
Malinaw sa 1987 Constitution, Art. VI, Sec. 24–25(1):
“All appropriation bills shall originate from the House, but the Senate may propose or concur with amendments.”
Iyan lang ang opisyal na kapangyarihan ng Senado na magmungkahi o umayon sa amendments.
Walang binabanggit ang Saligang Batas tungkol sa “insertions.”
Ang amendment ay ginagawa habang bukas ang plenaryo, may debate, may boto, at nakatala sa Journal.
Ito ang demokratikong proseso , malinaw kung sino ang nagpanukala at paano ito pinagtibay.
II. “Insertion” - Ang tamang kahulugan at hangganan
Dito kadalasang nagkakagulo.
Ginagamit ng ilan ang “insertion” para ilarawan ang anumang dagdag sa budget. Pero sa batas, ang tawag diyan ay amendment kung ito ay ginawa sa plenaryo o committee hearing.
Iba ang insertion.
Hindi ito termino ng batas. Ito ay praktikal na tawag sa mga idinagdag pagkatapos maisara ang plenaryo, karaniwan sa Bicameral Conference Committee (Bicam).
At malinaw ang tungkulin ng Bicam:
“To reconcile disagreeing provisions of the Senate and House versions.”
Ibig sabihin: magrekonsilya, hindi magdagdag.
Kaya kapag may bagong item na pumasok sa Bicam na hindi pinag-usapan sa alinmang bersyon, iyan ang tunay na Bicam insertion, labas sa proseso.
III. Pero hindi lahat ng idinagdag sa Bicam ay mali
May mga pagkakataon na ang Bicam ay nagre-realign lang ng pondong dati nang kasama sa alinmang bersyon. Yan ang tinatawag nating legitimate reconciliation.
Ang problema ay kapag may bagong proyekto o alokasyon na wala sa alinmang bersyon at hindi dumaan sa debate o boto.
Doon ito nagiging irregular o iligal.
Kaya kung gusto nating maging eksakto:
“Amendment” — ginagawa sa liwanag, may tala, may boto.
“Insertion” — ginagawa sa dilim, walang record, walang umaako.
IV. Kaya hindi tamang sabihing “technical” si Risa
Kapag ginamit ni Risa ang terminong “Bicam insertion”, hindi siya nagtatago sa teknikalidad, inaayos niya ang katotohanan.
Precision is not evasion, Anthony. it is just being honest.
Ang pagiging malinaw sa termino ay hindi pagtatago, kundi paninindigan.
V. Halimbawa ng mga totoong “Bicam insertions”
Noong 2019, sina Sen. Ping at ilang senador ay nag-report ng ₱75B na dagdag sa DPWH budget na ginawa sa Bicam nang walang deliberasyon.
Ngayong 2025, muli itong lumitaw, may ₱142.7B na idinagdag umano sa Bicam na wala sa bersyon ng Senado o Kamara.
Iyan ang ibig sabihin ng insertion —
hindi dumaan sa proseso, lumabas lang pagkatapos.
VI. At sa sitwasyon ni Risa
Si Risa ay nagmungkahi ng amendments nang bukas at malinaw, tulad ng ibang senador.
Pero nang makita niyang binawasan ng Bicam ang pondo ng PhilHealth, 4Ps, edukasyon at ₱373B ang nadagdag sa unprogrammed funds, tumanggi siyang pumirma sa Bicam report at bumoto ng “NO” sa 2025 budget.
Kung totoo ngang may insertions siya, bakit niya tatanggihan ang mismong budget na iyon?
🕯️ Panghuli
Hindi lahat ng dumaan sa Plenaryo ay insertion.
Hindi lahat ng dagdag ay mali.
Ngunit ang Bicam insertion, iyong idinagdag nang palihim at walang tala,
iyan ang dapat bantayan.
Huwag sana nating sabihing “technical” ang pagtutuwid ng termino.
Dahil sa panahon ng disinformation,
ang katotohanan mismo ang ating pinakamalinaw na anyo ng katapangan.
Maraming salamat, Anthony. At nawa’y mabuti kayo ng inyong pamilya.
Gumagalang,
Edwin
Nakakagalit isipin na pag may matinding sakuna, dali dali tayong nagdodonate ng relief goods, bigay sa fundraising ng kahit konti, volunteer mag-repack... samantalang may milyon-milyon at bilyon-bilyong perang kinurakot mula sa buwis natin na makakatulong sana sa mga nasalantang kababayan.
Ika nga ng placard sa rally, "resilient mo mukha mo."
THE POWER IS IN THE PEOPLE
Participants of the Trillion Peso March illuminated the streets with lights, while passing motorists honked their horns to Ben&Ben and SB19’s song “Kapangyarihan.” | Kim Ojeda
Dear Sec Vince,
Una sa lahat, maraming salamat sa pag-freeze ng mga assets ng inyong iniimbestigahan.
Yun lang, it is basic and fundamental na kapag may indikasyon ng fraud na iniimbestigahan, the first 48 hours is critical to preserve the evidence. Pero tama ka rin, dapat si Sec Bonoan ang unang gumawa nito. Eh kasi naman, ang tagal niya bago napalitan. (Bakit kaya?)
Sa iyong pag-ikot, please do not forget to take out the hard drives, seal metal cabinets, etc. Or kunin at ipadala sa safe na lugar.
Unahin ninyo rin yung bodega. Madaling sunugin yan.
Require the District Engineers to turn over their laptops and cellphones. Sa gobyerno naman yan!
PS Mag-take ng vitamins, yung anti-stress. The fight against corruption is a fight against undying enemies.
Gumagalang,
Ang lola mong tumanda na dyan sa paglaban sa katiwalian 🤣