Walang wala yung sakit na nararamdaman mo nung hiniwalayan ka ng ex mo sa sakit na nararamdaman ko nung iwan ako habang buhay ng nanay ko. Tumigil ka na dahil hindi ko sinumbat sayo yan. Ikaw ang OA sa ating dalawa.
Huwag mo na paulit ulitin sakin na dapat nakamove on na ako kasi 2 months na kasi alam ko! Alam ko pero hindi ko hawak yung nararamdaman ko at wala kang pake kasi hindi mo naman alam. Paulit ulit ka sa kakasabi sakin nyan, paulit ulit sinasabing OA ako tangina wala ka kasing alam
Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng taong talagang nagmamahal sayo. Yung iisang taong kakampi mo sa lahat, yung nag iisang taong nagparamdam sayo kung gaano ka kahalaga at kaimportante sa kanya. Wag mo pagtawanan yung nararamdaman ko kasi wala kang alam.
Alam nyo naman na sa sementeryo lang ako pumupunta, dun lang naman palagi destinasyon ko dahil nandun si nanay kaya please wag nyong ipagkait sakin yun. Hindi ko na nga nagawa yun bago mawala si nanay, kahit sana dito man lang hayaan nyo na ako.
Wag nyo nalang ako pakealaman please. Ito na nga lang yung paraan para kahit papaano makabawi ako kay nanay, kahit araw araw lang na pagdalaw sa kanya. Dun nalang ako bumabawi ipagkakait nyo pa.
Oo 2 months na, 2 months na syang wala e ano ngayon kung masakit pa rin sakin? Tumahimik ka nalang please. Hindi mo naman alam. Wala kang alam so please lang manahimik ka nalang.
Losing someone who truly loves you, losing someone that you will never have the chance to see again. You don't know how much it hurts to see your nanay inside the coffin when you were just talking to her weeks ago on the phone. You call me OA without knowing how much it hurts me.