it is what it is it is what it is it is what it is it is what it is it is what it is it is what it is it is what it is it is what it is it is what it is
Sa araw na ito, na tayo'y nag-aalay ng dasal para sa mga yumaong mahal sa buhay, nawa’y magsilbing matinding panawagan ang alaala ng mga biktima ng madugong War on Drugs ng berdugong Duterte, hindi lang para sa hustisya kundi para sa isang lipunan na tila naligaw, at hindi na marunong pahalagahan ang bawat buhay.
Ngayong Araw ng mga Kaluluwa, hindi ko maiiwasang alalahanin si Kian Delos Santos at ang mga libo-libong inosenteng buhay na nawala dahil sa extrajudicial killings.
Sa unang pagdinig sa Senado, narinig ko ang tinig ng kanyang uncle, puno ng sakit at lungkot. Hindi droga o kriminalidad ang tinutugis, kundi ang mismong buhay at karapatan ng mga simpleng mamamayan—mga kabataang tulad ni Kian, na pinagkaitan ng mga pangarap at kinabukasang dapat sana ay kanila.
May their memory serve as a powerful call, not just for justice, but for a society that seems lost and no longer knows how to value every life.
Sa kasagsagan ng Round Table Discussion kanina sa Unibersidad de Manila College of Law kaugnay sa Taguig-Makati case, biglang nahilo si Atty. Adonis Gabriel, isa sa mga panelist. Agad siyang isinugod ng medics ng UDM sa malapit na ospital.