— sa bilis ng takbo ng panahon at sa patagal nang patagal ang ating pagsasama, mas lumalalim ang pagkakakilanlan natin sa isa’t isa.
may mga bagay na komportable na tayong ginagawa nang magkasama, at mga bagay na nagiging dahilan ng tampuhan
bigyan mo sana ako nang marami pang dahilan upang manatili, palipasin sana natin ang araw na walang pagtatalo at kung magkaroon may ay hayaan natin maayos bago tayo humimbing sa pagkakatulog
; hanggang sa narinig ko nang sabihin mo “Huwag mo akong iwan, hindi ko kaya.” Masakit marinig ngunit natutuwa ako dahil katulad ko ay hindi mo rin kaya na wala ako sa tabi mo.
— minsang sumagi sa isipi ko noong minsan tayong nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan, “Kapag iniwan ko ba siya ay kaya ko?”
HINDI
hindi ko pala kaya, dahil iniisip ko pa lamang na magkakahiwalay tayo ay parang dinudurog na ang puso ko
— hindi ko namamalayan na mas nagiging komportable na talaga ako na kasama kita, mas gusto ko ang araw araw kitang katabi sa kama habang nag-iisip at nagpaplano sa kung anong mangyayari bukas.
hinding hindi kami lalapit sa inyo dahil kayo rin naman may gawa kung bakit kami nagkawatak watak noon, ngayong masaya kami ngayon niyo pa kami guguluhin. Ano wala lang mapaglaruan???
minsan niyo na minaliit si mama at mga kapatid ko, ngayon ginigipit niyo kami. Alam niyo naman na walang wala kami, sa ganitong sitwasyon namin ni minsan hindi kami humingi ng tulong sa inyo.