i'm in love with this quote:
"if you're persistent, you'll get it. if you're consistent, you'll keep it. and if you're grateful, you'll attract more of it."
Pero paano naman si macmac? Paano si macmac kung bigla nalang bumigay, bigla nalang mawalan ng gana sa lahat? Paano na si macmac? May sasalba ba kay macmac? Wala diba? Kaya sabi ko sa kanya, wag siyang susuko sa laban. Magpahinga lang siya pero hindi susuko!
para sa batang si Macmac, si macmac na hikain na laging dinadala ospital. Si macmac na 50/50 na sa ospital pero siya'y lumaban. Si macmac na naoperahan, sobrang bata pa niya para maaoperahan.
Si macmac na pagod na pagod na pagod na sa buhay pero hindi siya pwedeng sumuko eh. Kase paano na yung mga taong naniniwala sa kanya? Mga taong sinusupprtahan niya? Mga taong nagtitiwala at umaasa sa kanya? Paano na?
Si macmac marami na sa kanyang dumating na problema pero kinakaya niya pa rin, kahit ilang beses na siyang nadapa still nanjan pa rin siya lumalaban. Kahit na minamaliit na siya ng iba, kahit na hindi na pinakikinggan yung side niya nandyan pa rin siya.