PANOORIN | Pormal nang pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang P1 billion na halaga na Antong Dam sa Barangay Manili, Lutayan, Sultan Kudarat. | via Armando Fenequito | RP Davao
#RadyoPilipinas#RadyoPubliko#IntegratedStateMedia#ISM#PBBM
ATM | President Ferdinand R. Marcos Jr. delivers his keynote speech for the ‘Bawat Bayan Makikinabang’ in the Provinces of South Cotabato and Cotabato during a program in Koronadal City on June 25, 2026.
https://t.co/bSiuBRBNAQ
#RadyoPilipinas#RadyoPubliko
#IntegratedStateMedia
#ISM
PANOORIN | Iinspeksyunin ni DPWH Secretary Vince Dizon ngayong umaga ang Udalo Bridge sa Brgy Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
Matatandaan na nitong May 26, 2026 ay pansamantalang ipinatigil ng DPWH ang “lifting operations” sa tulay matapos bumigay ang isang crane habang nagbubuhat ng konkretong girder na ikinasawi ng isang 61-anyos na manggagawa.
Dahil sa pagkakabalam ng proyekto ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH na madaliin ang pagtatapos sa natitirang 25 lineal meters ng nasabing tulay.
Nilalayon ng Udalo Bridge na pagdugtungin ang magkatabing bayan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro at Puerto Galera, Oriental Mindoro. | via Tom Alvarez | Radyo Pilipinas Lucena
#RadyoPilipinas
#RadyoPubliko
#IntegratedStateMedia
#ISM
TINGNAN | Dumating na sa General Santos City Airport ang 16 na kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V o DSWD Bicol na ipinadala upang tumulong sa relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani Province.
Binubuo ang grupo ng mga kawani mula sa iba't-ibang programa at administrative units ng ahensya na naglalayong palakasin ang paghahatid ng ayuda at iba pang serbisyong panlipunan sa mga residenteng naapektuhan ng sakuna. Magtatagal ng walong araw ang mga kawani ng DSWD Bicol sa Saranggani. | via Garry Carillo | RP Albay
📸 DSWD Bicol
#RadyoPilipinas
#RadyoPubliko
#IntegratedStateMedia
#ISM
Sultan Kudarat at South Cotabato ang destinasyon ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangunahan ang pagpapasinaya ng mga bubuksang proyektong pang-imprastraktura at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar
#RadyoPilipinas#RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
https://t.co/zVUHGcNGbc
TINGNAN | Dahil sa nangyari sa Tacloban, sinabi ni Konsehal Marlo Tabac na ang trahedya ay nagtulak sa mga lokal na opisyal ng CDO at mga pamilya ng mag-aaral na muling bisitahin ang mga safety measures ng mga paaralan ng Cagayan de Oro.
SUPER TYPHOON #FranciscoPH (MEKKHALA), NASA LOOB NA NG PAR!
Kasalukuyang binabantayan ng PAGASA ang Super Typhoon na may lokal na pangalang “FRANCISCO” (International name: MEKKHALA) na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong alas-2:00 ng madaling araw, Hunyo 23, 2026.
Bukod dito, isang hiwalay na Tropical Depression naman (na dating LPA 06c) ang patuloy ding minomonitor sa loob ng Philippine monitoring domain (TCID).
Manatiling ligtas, alerto, at subaybayan ang mga susunod na ulat-panahon. Mag-imbak ng mga emergency supplies at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan.
#WeatherUpdatePH
#SuperTyphoonFrancisco
#RadyoPilipinas
#RadyoPubliko
#IntegratedStateMedia
#ISM
#PBSDigitalMedia
Matapos ang sunod-sunod na insidente ng karahasan sa ilang eskwelahan, nanawagan ang Council for the Welfare of Children (CWC) ng mas pinalakas na school safety measures para sa kaligtasan at proteksyon ng mga bata.
Ayon sa CWC, labis nitong ikinaalarma ang nangyaring mga insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong mag-aaral at ikinasugat ng iba pa. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
https://t.co/kD9qgqksJO
Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumugon sa mga lokal na pamahalaang posibleg maapektuhan ng Bagyong Francisco.
Ayon sa DSWD, may nakapreposisyon nang 96,431 family food packs (FFPs) at 18,134 non-food items (NFIs) sa mga warehouse nito sa Cagayan Valley, para matiyak ang mabilis na paghahatid ng ayuda kung kinakailangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
https://t.co/IBL4mJiYc8
Mariing kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong estudyante at pagkasugat ng iba pa.
Sa isang pahayag, iginiit ng DILG na walang mag-aaral, guro, o school personnel ang dapat matakot para sa kanilang kaligtasan sa loob ng paaralan na dapat ay ligtas na lugar para sa pagkatuto. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
https://t.co/1RWxSsClO6
Bukod sa Psychosocial Support, ay nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSW sa mga estudyanteng biktima ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon sa DSWD Field Office 8 o Eastern Visayas, matapos ang isinagawang assessment ay iniabot nito ang ₱100,000 financial assistance para sa siyam na sugatang mag-aaral na kasalukuyang nagpapagamot sa iba’t ibang ospital sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
https://t.co/dRF7v7Hgwd
📸 DSWD
TINGNAN | Dagdag na 200 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) ang ligtas na inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., bahagi ito ng decongestion program para maibsan ang siksikan sa NBP, bilang paghahanda na rin sa target na pagsasara ng pasilidad sa 2028. Bukod sa pagluwag ng piitan, layon din nitong mas mapaganda ang rehabilitasyon at pamamahala sa mga PDL sa bansa.
📷 PTV
#RadyoPilipinas
#RadyoPubliko
#IntegratedStateMedia
#ISM
#PBSDigitalMedia
Sinabi ni Philippine Red Cross (PRC) Chairperson at CEO Richard Gordon na nakalulungkot ang nasabing pangyayari lalo't nangyari ang pamamaril sa loob mismo ng paaralan na isang "SAFE" space para sa mga kabataan.
Dahil dito, nanawagan si Gordon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang seguridad sa mga paaralan, at tiyakin na may mga counselor na maaaring makausap ng mga estudyante na nakararanas ng iba't ibang hamon. | ulat ni Jaymark Dagala
#RadyoPubliko #RadyoPilipinas #IntegratedStateMedia #ISM
https://t.co/z387P3RoI6
Anim pang armas ang isinuko ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) kasunod na rin ng revocation o pagbawi sa kaniyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at rehistro.
Isinuko ang naturang mga armas ng kinatawan ng senador buhat sa kaniyang tahanan sa Silang, Cavite para isailalim sa pansamantalang pangangalaga, at bilang pagtalima na rin sa mga umiiral na panuntunan. | ulat ni Jaymark Dagala
#RadyoPubliko #RadyoPilipinas #IntegratedStateMedia #ISM
https://t.co/9chWr7l2JM
https://t.co/S2c1i5zruA
RT has spoken exclusively with Philippine President Ferdinand R. Marcos, Jr. about a wide range of topics on the sidelines of the Russia-ASEAN summit in Kazan. The event is being held to mark the 35th anniversary of relations between Russia & the org.