Nagiging posible ang tila imposible sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng nakararami. Naging posible ang imposible sa EDSA 40 years ago, nang matapos ang 20-year na one-man rule, at naibalik ang mga institusyon ng demokrasya tulad ng Senado at ng malayang pamamahayag. Naging posible rin ang tila imposible noong halalan ng nakaraang taon, nang lumundag ang ating ranking mula 17 hanggang 5 at napasama sa winning circle.
Sa awa ng Diyos at sa kilos ng tao, nangyari ang lahat ng ito at marami pang iba.
Sa awa ng Diyos at sa kilos ng tao, tataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, at bababa ang presyo ng mga bilihin. Mananagot ang mga smuggler, hoarder, at mga kasabwat sa burukrasya.
Magiging posible rin na mawakasan ang nepotismo sa pulitika, at mapapanagot at makukulong na ang mga kurakot.
Magiging posible ang tila imposible sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng pinakaaba at pinakamaliliit sa ating lipunan.
𝗔𝗽𝗮𝘁𝗻𝗮𝗽𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗯𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻.
Noong 1986, nanaig ang tapang kaysa takot, ang puso kaysa galit, at ang pagkakaisa kaysa pagkakahati-hati. Ipinakita ng mga Pilipino na 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗶𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗮𝘀—at sa mga sandaling iyon, maraming bansa ang humanga sa lakas at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Tayo ang patunay na posible ang mapayapang pagbabago.
May mga tangke sa kalsada at mga sundalong may hawak na baril. Pero may mga rosaryong nakataas, mga bulaklak na iniabot, at mga tinapay na pinagsasaluhan ng mga hindi man magkakilala pero nagdamayan. May mga awit at panalangin sa gitna ng nakaambang panganib. At 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗸𝗼𝘁, 𝗽𝗶𝗻𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮’𝘁 𝗶𝘀𝗮. Sa mga sandaling iyon, dama natin kung gaano kasarap maging Pilipino—kapag ang bayan ay nagkakaisa para sa kalayaan at demokrasya.
Ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟰𝟬 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗘𝗗𝗦𝗔 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘃𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻, muli nating balikan ang mga aral na minsang nagbuklod sa buong bayan. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮—𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗗𝗦𝗔 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘄𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗽𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. Kaya’t isa itong panawagan at hamon na magkaisa, makilahok, at manindigan para sa tama.
𝗔𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮. 𝗦𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗸𝘂𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗘𝗗𝗦𝗔. Dahil kung kaya nating magsama-sama noon, kaya pa rin natin ngayon. Nasa taumbayan pa rin ang tunay na kapangyarihan—𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿. ❤️🔥🇵🇭
We beg to disagree that the West Philippine Sea is not clearly defined, that we have not been able to determine it.
We have by law, we have by administrative order, and we have by the arbitral ruling.
#WestPHSea#AtinTo
𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗘𝗔! 🇵🇭
Sa plenary session ng Senado nitong Lunes, February 2, iginiit natin ang kahalagahan ng pagpapatupad at pagtatanggol sa 2016 arbitral ruling, gayundin ang paninindigan sa ating uniformed personnel na humaharap sa agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Kailangang suportahan ng Senado ang Philippine Coast Guard (PCG), Department of National Defense (DND), at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa patuloy nilang pagharap sa mga iligal na aktibidad ng China sa rehiyon.
Sapat na ang mga umiiral na legal documents at rulings bilang batayan para para igiit na iligal na sinasakop ng China ang ilang bahagi ng ating exclusive economic zone (EEZ) at inaangkin din ang humigit-kumulang 150,000 square kilometers ng ating continental shelf at 381,000 square kilometers ng ating EEZ:
📄 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟮𝟵 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟮 na opisyal na nagngalan sa mga karagatang nasa kanlurang bahagi ng kapuluan bilang West Philippine Sea
📄 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟬𝟲𝟰 o 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗭𝗼𝗻𝗲𝘀 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟰, na nagtatakda ng iba't ibang maritime zones ng bansa batay sa international law at kumikilala sa exclusive sovereign rights ng Pilipinas sa mga likas-yaman sa mga lugar na ito
📄 𝟮𝟬𝟭𝟲 𝗔𝗿𝗯𝗶𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗶𝗯𝘂𝗻𝗮𝗹 𝗿𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 na nagbasura sa nine-dash-line claim ng China at nagpatunay na nilabag nito ang sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng EEZ nito
Thanks for remembering me, Vice Ganda! Dami kong tawa dito. 🤣
Yes! It’s my turn to return and keep serving the Filipino people. Babawi ako sa ipinagkait na halos pitong taon sa aking buhay—ng higit pang paglilingkod sa ating mga kababayan. 💛
Thank you, Senator Risa for investigating POGOs and exposing the harm they cause to our society.
And of course, thank you, PNoy for asserting and fighting for the West Philippine Sea and for what is ours.
Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba.
Nakakapangit ng inyong paghuhugas-kamay. Tingnan mo, nakapahamak ka na. 😂✌️
Tama, hindi madaling makalimot. Pero madali namang magbayad ng tamang buwis at magpakita ng katiting na pagsisisi. Mas mabilis gumaling ang sugat pag ginagamot.
Today, we honor the bravery of Filipinos who fought for truth, justice and freedom during Martial Law. Malaking sakripisyo ang hiningi para muli nating mahanap ang liwanag. Ang kanilang tapang at pagmamahal, magsilbi sanang inspirasyon sa atin para tumindig para sa totoo at tama.
Páirc Uí Chaoimh, Cork, night 1! What an amazing crowd! We’ve waited so long to play these gigs and it did not disappoint! What a crowd! We can’t wait to do it all over again tonight! Who’s ready?? 🇮🇪🇮🇪
What a weekend! We’ll be thinking about this night for a very long time! Thank you all so much for making our Wembley show so special 💛
We loved every second of it but what was your favourite moment?
Only 5 more days until we get to finally play Wembley Stadium✨
It’s been a long time coming and we can’t believe it’s less than a week away!
Who’s looking forward to Saturday night? 🙌
Catch it live in cinemas too if you can’t be there
https://t.co/HzAMt3W1Nj