“Natakot talaga ako doon. Hindi naman ako kriminal.”
Na-trauma si Jhony Lanquino noong palibutan siya ng mga pulis at barangay officers dahil nakahubad habang naghahalo ng semento sa Mandaluyong City.
Nakapagbayad siya ng P500 multa nitong Lunes.
Hiling ni Lanquino na maalis ang kaniyang pangalan sa talaan ng mga lumabag, dahil wala pa siyang naging kahit anong record. | via @_KarenDeGuzman