Mulat ako sa mga tanong na nananatiling nakalimbitin sa situwasyon. Sinisimulan na namin ang pagkausap sa mga eksperto upang maaral nang husto ang mga ulat at alegasyon na nababasa natin sa social media. Agad naming ibabahagi ang anumang resulta ng pag-aaral.
Muli, nagpapasalamat ako sa sipag, pagkamalikhain, at pusong dinala ng ating hanay sa kampanya. Dahil sa inyo, nasilip natin ang uri ng lipunang kaya nating maabot.
Alam kong pinoproseso pa ninyo ang mga pangyayari kahapon.
Sa ika-13 ng Mayo, magkakaroon ng pagtitipon sa Maynila upang magpasalamat sa ating mga volunteers. Dadalo rin ako doon. Maglalabas kami ng mga detayle tungkol sa pagtitipon.
Dalangin ko ang kapanatagan ng loob at linaw ng kinabukasan para sa ating lahat.