So na-invite kami sa 50th bday kagabi. May dress code pa na 1920s theme tapos dry party pala? Idk kung ako lang to, napabongga ka na sa party tas di mo kami papainumin kahit wine? Tapos hindi pa buffet! Limited food per table ang setup.
ORGANIZED ENCOUNTER YERN? 🤣😻
Kung may "organic encounter" na nauuso sa social media, trending rin ngayon sa isang social media platform ang tila "Organized encounter" na isinagawa ng magkakaibigan sa Parañaque City matapos ipakilala ang isa nilang kaibigan sa isang lalaki.
Sa kuwento ni YouScooper Shaine Ipaz, makiki-fiesta lang naman sila dapat sa Parañaque City noong Jan. 18 nang mangyari ang hindi inaasahang "organized encounter."
"My friend saw the guy po which is cousin po ng friend na nag-invite sa amin. Then my friend po, tinanong niya po 'yung pinsan pa nu'ng nag-invite sa amin regarding doon sa guy. Then, sinabi po kaagad ng isa naming kakilala doon sa tatay nu'ng guy na kamag-anak din nila tapos ayun po, tinawag po nu'ng tatay yung friend ko para mag picture sila ng anak niya."
Tatay pa raw mismo ng lalaki ang nag-udyok na mag-picture ang anak niya at ang kaibigan ni YouScooper Shaine. Hirit ng isang netizen, "'Pag wala ka pang organic encounter, organized encounter is the key."
As of posting, nasa 1.1 million views na sa isang social media platform ang video. #YouScoop
Courtesy: YouScooper Shaine Ipaz