#REPOST
NANAKOT ANG TAGAPAGSALITA NI PRES. BONGBONG MARCOS. AT MAY PAGBABANTA PA SA INC, JIL AT KOJC.
Sabi niya kapag sumali sa anti-corruption rally ang mga taga Kingdom of Jesus Christ at sumigaw sila ng MARCOS RESIGN, isa lang ang ibig sabihin noon - malapit ng ipatapon sa Pastor Apollo C. Quiboloy sa Amerika sa pamamagitan ng extradition, malapit ng ipanggal si Sen. Joel Villanueva at may kalalagyabn si Sen. Marcoleta.
Ewan ko kung sa sobrang busy ni Usec Castro sa kakadepensa sa mga malawakang nakawan sa Marcos Administration, nakaligtaan niya ang bagong tagubilin ngh Korte Suprema patungkol sa extradition of Filipinos to countries with whom the P:hilippines has an extradition treaty.
Malamang hindi rin niya alam na matagal ng ibinasura ng hukuman ang kaso laban kay Sen. Villanueva at ano naman ang maari nilang gawin kay Atty. Marcoleta?
Atty. Claire kung kinikilabatutan na kayo sa sunod-sunod na malawakan kilos protesta laban sa corruption at pinapalayas na si Bonget Marcos sa Palasyo, huwag mong daanin sa pananakot ang mga taga KOJC at maging iyong mga taga INC (iglesia ni cristo) at JIL (jesus is lord).
Masama ang tabas ng dila mo Ante Kler, baka ikol kayo diyan sa Malacanang ng mga malalaking religious organization at movement at pagsisihan ninyo iyang kayabangan at pang-aabuso ninyo at mapapab ilis ang pagpapalayas sa inyo diyan sa Palasyo.
โ Jay Sonza