'PARA KAY MAMA, BIRTHDAY NIYA' 💐🥹
Maraming netizen ang naantig sa video ng 11-anyos na si Jammin mula sa Iloilo na piniling mag-ipon ng perang pambili ng bulaklak para sa kaniyang ina.
Sa video, makikitang pumasok si si Jammin sa isang flower shop para itanong kung may tig-₱70 na bouquet sa tindahan.
Nang tanungin ng may-ari ng shop kung para kanino ito, sinabi ni Jammin na ibibigay niya raw ang bulaklak sa kaniyang mama.
Agad siyang iginawa ng bouquet at ibinalot pa sa plastic para hindi agad masira.
Nang pauwi na si Jammin, para hindi malukot o masira ang bouquet, hindi na nag-bisikleta.
Maingat niyang hawak ang bulaklak at naglakad pauwi habang akay-akay niya ang kaniyang bisikleta.
Dahil sa pag-viral ng video, maraming netizen ang naantig sa effort na ito ni Jammin para sa kanyang ina. Marami rin ang nagpaabot ng regalo at tulong para sa kaniya.
Courtesy: MERlines & Hues via GMA NewsFeed
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa updates.
🐥: wait lang nakaka-mental block yung performance ni staku grabe
🐱: i know (?)
🐥: i was flabbergasted
🐱: in a good way ba ‘yan or in a bad way?
🐥: in a good way syempre, ikaw ‘yan e
grabe naman ‘yon, jho-rizz is in da house ><