Mr Padilla,
Excuse me, linawin ko lang agad: sumusulat ako sa'yo hindi dahil fan mo ako. Hinding-hindi ako naging fan ng mga baduy mong pelikula. Sumusulat ako bilang isa sa milyun-milyong Pilipinong sapilitang kinakaltasan ng buwis buwan-buwan para palamunin ka at ang buong opisina mong walang kwenta.
Diretsahan na: Pabigat ka sa bayan. Buong Pilipinas, mula sa mga nag-a-audit hanggang sa mga tambay sa kanto, alam na pambansang bobo ka. Sa totoo lang, kayong dalawa na lang yata ng asawa mong si @marieltpadilla ang hindi nakakaalam na bobo ka at wala kang naiintindihan sa trabaho mo. Lumipas ang mahigit dalawang taon, napatunayan mong zero ang grasp mo sa batas, zero sa ekonomiya, at mas masahol pa, zero ang pakialam mo sa mga taong nagluklok sa'yo.
Nakakasuka panoorin kung paano mo babuyin ang Senado para lang maging opisyal na tagahugas-kamay at tuta ng mga Duterte. Kaming mga ordinaryong mamamayan, kailangan ng sandamakmak na valid ID at resibo para lang makapag-loan o mag-claim ng benepisyo. Tapos ikaw? Buong-tapang mong ipinagtatanggol ang P125 Million na winaldas ng OVP sa loob lang ng 11 araw! P16 Million quarterly para sa safehouses? At may gana ka pang ikumpara sa mga bayani ng Katipunan ang mga kawatang nagtatago sa mga alyas na "Mary Grace Piattos" at "Ka Sili" para lang makalusot sa COA? Wala ka bang hiya?
Isipin mo naman ang iiwan mong pamana. Paglaki ng mga anak mo, ano ang mababasa nila sa internet at sa history books? Na ang tatay nila, imbes na maging mambabatas, ay naging pambansang joke na walang ibang alam isagot sa usaping Konstitusyon kundi "Pakiulit po ang tanong"? Na imbes na gumawa ng batas, naging glorified na alalay ng isang pamilyang nagpapasasa sa confidential funds? Nakakahiya. Ipinapamana mo ang katangahan at kawalan mo ng paninindigan.
Hindi ka mambabatas, Robin. Isa kang bayarang bodyguard na nakasuot ng barong. Mahiya ka naman sa mga taong gumigising ng alas-kwatro ng madaling araw, nakikipagsiksikan sa traffic, at nagpapagod sa trabaho nang marangal, tapos ang napupuntahan ng buwis nila ay sa isang Senador na walang ibang inambag kundi umakting sa mikropono.
Kung may natitira ka pang kahit katiting na dignidad o pagmamahal sa Pilipinas, gawin mo ang kaisa-isang pabor na maitutulong mo sa bayan!
Mag-resign ka na. Pekeng Muslim!
Ibalik mo ang Senado sa mga taong may utak at totoong maglilingkod sa sambayanan at hindi sa iisang pamilya lang.
Hindi Gumagalang,
Ang Pilipinong Pagod Na Sa'yo
"KUNG GANO’N [COMMAND RESPONSIBILITY] ANG MAGIGING BASEHAN, ANG UNANG-UNANG SUSUSPENDIHIN DAPAT SI [AY SI] SENATOR ALAN PETER CAYETANO."
NBI Director Melvin Matibag responded to the appeal of Senate President Alan Peter Cayetano asking the Ombudsman to also suspend him following the gunfire incident at the Senate.
According to Matibag, if command responsibility is the basis of Cayetano’s argument, then the senator should also be suspended because the Office of the Senate Sergeant-at-Arms is under his supervision.
On Monday, the Senate received the preventive suspension of Acting OSAA chief Mao Aplasca and the subpoena for a copy of the CCTV footage related to the gunfire incident. | via @jessiecruzat
To the DDS who keep pointing to Davao as proof of competent governance of the Dutertes, well, we gave the old man 6 years to replicate and expand that “success” on a national scale. Bokya. Kaya tantanan n’yo na kami.