Remembering PNoy: A Selfless Leader and Public Servant
One of my regrets in life is that I was not able to talk to PNoy more after his term ended because of the circumstances beyond my control.
I was unjustly detained in 2017 based on trumped-up charges filed against me by the Duterte administration. Although he was able to visit me several times, our time to catch up was very limited. Alam ng mga nakakakilala kay PNoy na kulang na kulang ang ilang oras sa mga kwento at jokes pa lang nya.
I was still in detention when PNoy died in 2021. It was deeply saddening to have lost a great leader and dear friend. What made it even more heartbreaking was that I was not able to attend his wake to pay my final respects.
Today is even more meaningful as I also remember that exactly two years ago, I was finally cleared of all the bogus charges against me. Hindi ko man sya personal nang mapapasalamatan, pero kasama lagi sa aking dasal at pag-alala sa kanya ang lubos kong pasasalamat sa pagbibigay nya ng lakas at pagpaparamdam sa akin noon na hindi ako nag-iisa.
His exemplary leadership and enduring legacy will forever remain a source of inspiration and strength.
Maraming pwedeng masabi tungkol kay PNoy, pero maaari ko itong maibuod sa pagiging mabuti, kwela, simple, mapagmalasakit at higit sa lahat, pagiging tapat niyang lider na inalay ang sarili para magsilbi sa mga Pilipino at pahalagahan ang interes ng Pilipinas.
He stood firm in serving Filipinos with honesty and accountability, and he was unwavering in his loyalty to, and love for our country.
Pinangunahan nya ang paglilingkod hindi lang sa pagbabawal ng wangwang, hindi lang sa hindi nya pagnanakaw, kundi pati na sa pagpapanagot sa mga tiwali – gaano man ka-impluwensya o kataas ang katungkulan.
Yan din ang ipinakita nyang tapang at paninindigan sa pagtatanggol sa ating soberanya at teritoryo, kahit dambuhalang bansa man ang ating nakabangga.
Sa harap man ng Gabinete o ng kanyang mga staff, sa mga kwentuhan at mga pag-uusap na lingid sa publiko o sa media, makikita’t mararamdaman mo kung gaano katotoo ang kanyang puso sa pagsisikap na maipatupad ang positibong pagbabago, para “iwan ang Pilipinas na di hamak nasa mas magandang kalagayan kaysa kanyang dinatnan.”
Salamat, PNoy. Itutuloy namin ang laban na buong puso, buong lakas, buong sigasig, buong katapatan at buong buhay mong itinaguyod para sa ating bayan at mga kababayan.
We miss you, Sir…
📸 Jes Aznar/The New York Times