24 days bago magpasko.
Wish ko kay Santa:
1. Masaya, malusog, at nagkakaisang lipunan.
2. World Peace
3 Gamot sa Cancer at solusyon sa poverty.
4. Sense of fulfillment, peace of mind, true love at genuine happiness.
5. 3 Bilyong piso
7. 1998 Mitsubishi Lancer Evolution 5
Hindi pala ako singtibay ng bato. Ni 'di rin singkunat ng bakal.
Sa pagtagal'y ganon din. Sinubukang umunawa't umintindi. Tatablan din ng mga salitang humahaklit ng payapa, komplikadong tanggapin, pumupunit ng damdamin.
Sana'y 'di pinag-isipan lahat iyon.
Naiinis akong ilang yosi
ang inuubos ko sa isang araw
para turuan ang sariling huminga.
Naiinis akong nararamdaman ko lang
na may natitira pang buhay sa akin
tuwing unti-unti akong namamatay.