Top Tweets for #LuispH
Serbisyo ng DSWD, Walang Oras na Pinipili 💪
Maging sa pagsapit ng gabi, nagpapatuloy ang relief operations ng DSWD Field Office (FO) I – Ilocos Region para matiyak na maihahatid ang kinakailangang tulong ng mga pamilyang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Bagyong #LuisPH, Bagyong #MaymayPH at #Habagat sa City of San Fernando, La Union.
Sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang maagap na pagtugon ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, nag-dispatch ang DSWD FO-I ng karagdagang 322 ready-to-eat food (RTEF) nitong Huwebes (Agosto 6) bilang augmentation support para sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.
Katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at City Government of San Fernando, tuluy-tuloy ang pagpapakilos ng mga relief supplies para mas mapabilis ang pag-abot ng tulong sa ating mga kababayan. (AL)
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️

APEKTADO NG BAGYONG 'LUIS', 'MAYMAY,' AT HABAGAT
Apat ang nasawi at isa ang sugatan sa pinagsamang epekto ng Bagyong #LuisPH, #MaymayPH, at Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 6 a.m. ngayong Biyernes, August 7.
Dalawa ang nasawi sa landslide sa Benguet habang dalawa naman ang namatay sa rockslide sa Rodriguez. Wala namang naiulat na nawawala.
Samantala, nasa 39,879 na pamilya o 132,956 na katao ang mga apektado mula sa regions I, II, III, V, IX, at Cordillera Administrative Region.
Nasa 2,021 pamilya o 6,215 katao naman ang nananatili sa mga evacuation center.

Mahigit 132,000 indibidwal o halos 40,000 pamilya ang naapektuhan ng mga bagyong #LuisPH, #MaymayPH, at ng Habagat, ayon sa pinakahuling datos ng NDRRMC.
Mahigit 6,000 katao ang nananatili sa evacuation centers habang 4 ang naiulat na nasawi at isa ang sugatan. Patuloy ring ipinagkakaloob ng pamahalaan ang tulong sa mga apektadong komunidad, na umabot na sa mahigit ₱3.5 milyon. | ulat ni Jaymark Dagala
#RadyoPubliko #RadyoPilipinas #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
https://t.co/UfPeYDLZV6
ICYMI: Agad na naghatid ang DSWD FO-1 ng family food packs sa Bani, Pangasinan para sa mahigit 700 pamilyang naapektuhan ng #LuisPH, #MaymayPH, at Habagat, kabilang ang mga evacuee at mangingisdang pansamantalang hindi makapalaot.
#IntegratedStateMedia #ISM #DisasterResponse

FFPs UPDATE: As of 6PM ngayong Huwebes (Agosto 6), umabot na sa 3,739 family food packs (FFPs), 634 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 266 non-food items (NFIs) ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong #LuisPH, #MaymayPH at habagat.
Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa:
• Cordillera Administrative Region
• Ilocos Region
• Cagayan Valley
• Central Luzon
• Bicol Region
• Zamboanga Peninsula
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang maagap na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️

DISASTER RESPONSE UPDATE: Mabilis na naghatid ang DSWD Field Office (FO) 1 - Ilocos Region ng mga kahon ng family food packs (FFPs) sa Lokal na Pamahalaan ng Bani, Pangasinan para masuportahan ang 772 pamilyang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Bagyong #LuisPH, #MaymayPH at #Habagat.
Kabilang sa mga tumanggap ng food assistance ang mga mangingisdang pansamantalang hindi makapalaot dahil sa masamang lagay ng panahon at mga pamilyang pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.
Bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang maagap na pagtugon sa mga komunidad na apektado ng kalamidad, ginamit ng DSWD FO-1 ang relief prepositioning area nito sa Alaminos City, Pangasinan para mapabilis ang mobilisasyon at paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga apektadong pamilya. (KT)
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️

Binigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasalanta ng Bagyong #LuisPH at #MaymayPH.
#Teletabloid #DWAR1494 #NewsPH
DISASTER RESPONSE UPDATE: Bunsod ng malakas na hangin at pag-ulan dulot ng pinagsamang epekto ng Bagyong #LuisPH, #MaymayPH at habagat, umabot na sa 357 pamilya mula sa La Union ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan ngayong Huwebes (Agosto 6).
Pansamantalang nananatili ang mga apektadong pamilya sa mga evacuation center sa mga bayan ng Bangar, Bauang at Caba sa La Union, kung saan patuloy silang binibigyan ng kinakailangang suporta. Sa pangunguna ng DSWD Field Office (FO) 1 - Ilocos Region, walang humpay ang monitoring at pagtugon ng ating mga Angels in Red Vests para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.
Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na agad na naihahatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan. (LFR)
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

NEWS UPDATE: Patuloy ang pagkilos ng pamahalaan upang matugunan ang epekto ng #LuisPH, #MaymayPH, at habagat, at maihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong pamilya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong @bongbongmarcos.
#WeatherUpdate #NDRRMC #BagongPilipinas #ISM

ICYMI: Nagsagawa ng preemptive evacuation ang DSWD dahil sa pinagsamang banta ng #LuisPH, #MaymayPH, at Habagat.
Patuloy ring mino-monitor ng DSWD FO 1 ang kalagayan ng mga evacuee sa Barangay Poro at Catbangen Elementary School.
📷 DSWD
#IntegratedStateMedia #DisasterResponse

APEKTADO NG MASAMANG PANAHON
Nasa 80,633 indibidwal o 23,946 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong #LuisPH, #MaymayPH, at Habagat, ayon sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) as of 6 a.m. ngayong Huwebes, August 6.
Higit 2,000 pamilya o halos 7,000 indIbidwal naman ang nasa mga evacuation center.
Ayon sa datos, ang mga naapektuhan ay mula sa Region I, II, III, V, IX, BARMM, at CAR.

Ilang araw nang lubog sa baha ang ilang lugar sa Nueva Ecija dahil sa dating Bagyong #LuisPH. #UnangBalita
NEWS UPDATE | Sumampa na sa halos ₱1.8-M ang halaga ng humanitarian assistance na naipahatid ng DSWD sa mga apektado ng Habagat, at Bagyong Luis at Maymay.
Sa pinakahuling tala naman ng DSWD, umabot na sa 26,000 pamilya o katumbas ng 88,000 na indibidwal ang apektado ng kalamidad. | via Merry Ann Bastasa
📷 DSWD
#RadyoPilipinas
#RadyoPubliko
#ISM
#IntegratedStateMedia
#PBSDigitalMedia

Most Popular Users

Elon Musk 
@elonmusk
241.2M followers

Barack Obama 
@barackobama
119.1M followers

Cristiano Ronaldo 
@cristiano
112.8M followers

Donald J. Trump 
@realdonaldtrump
111.8M followers

Narendra Modi 
@narendramodi
107.1M followers

Rihanna 
@rihanna
98.2M followers

NASA 
@nasa
92.2M followers

Justin Bieber 
@justinbieber
91.4M followers

KATY PERRY 
@katyperry
88.9M followers

Taylor Swift 
@taylorswift13
82.8M followers

Lady Gaga 
@ladygaga
74.3M followers

Virat Kohli 
@imvkohli
71.8M followers

Kim Kardashian 
@kimkardashian
70.4M followers

YouTube 
@youtube
68.8M followers

Neymar Jr 
@neymarjr
64.7M followers

Bill Gates 
@billgates
64.6M followers

The Ellen Show
@theellenshow
62.4M followers

Selena Gomez 
@selenagomez
62M followers

CNN 
@cnn
61.8M followers

X 
@x
60.8M followers


























