September 20, 2018, ay simula ng aking paglalakbay bilang isang PLHIV. Nung pinatawag ako para sa follow up check parang naisip ko na posibleng tungkol sa HIV. Di nga ako nagkamali. Kaya nung sinabi ng clinic staff na positive ang result, di na ako ganun kagulat. Kasi ready ako.
Malaking tulong din talaga sa mga bloodbros yung SSS disability claim. Kaya yung mga di pa nakakapag claim, try niyo na iprocess. ๐
Filed November.
Approved December.
Deposited January.
Paminsan minsan nakakaramdaman pa rin ako ng frustrations, panghihinayang, at pagsisisi sa mga opportunities, time at pera na nawala dahil dito. Pero wala eh eto na to kaya kailangan lang talaga tanggapin at magpatuloy. Kung ano nalang ang kaya at pwede, yun nalang din talaga.
@sam_zulueta Yung CD4 and viral load po ba and mga labs na need yung bagong result o yung pinakaunang test nung nadiagnose po? Kasi UD na ako kaya not sure ako kung maapprove pa pag nagfile ako
Mas mahirap ba maapprove pag nag apply ng sss disability online? May chance pa kaya maapprove kahit UD na at 2018 pa na diagnose and 2021 nagstart ng treatment?
Good news. UD na ako. Thanks to my partner who saved me and never gave up on me.
Bad news. Sobrang nakakalungkot at nakakadurog ng puso makita yung taong di sinasadyang mahawaan noon, na nagtitiis at nahihirapan at nagbago ang buhay dahil sa akin. Sana malampasan niya din.
I show to them that I am okay but I still cry silently at night. I'm thankful to my partner na di ako iniwan sa hirap at ginhawa pero hindi ko alam kung hanggang saan niya ako kayang dalhin at tiisin. Ayaw kong mangyari na maubos din siya dahil sa akin.
Hindi ko pa rin matanggap na ganito na ako. Na ganito nalang ako. Na hanggang dito nalang ako. Pero wala akong lakas ng loob na gumawa ng paraan para mapaganda ang sitwasyon ko. Hanggang kelan ako aasa sa iba. Walang sariling bahay. Walang sariling trabaho. Walang sariling pera.
Gaano katagal kayo naging physically, emotionally and mentally distressed when you were diagnosed or started your treatment? Kaano katagal nagtiis at nagstay ang partner niyo if ever alam niya?
Am i stressed or depressed kaya sinusuka ko halos lahat ng kinakain ko? Medyo feeling bloated din at parang puro hangin laman ng tiyan. Hayat okay na ako nung una eh. Ganado na kumain. Bakit bumalik pa ito?
Nagresign din ba kayo sa work to focus on the earlier part of your treatment? Balak ko kasi magresign kasi panay absent na ako. May warning na ako from my manager. Pero kasi pasulpot sulpot lang yung masamang pakiramdam.