TUTOL KAMI SA PAGBALUKTOT SA BATAS — INC
Sa kanilang opisyal na pahayag, iginiit ng Iglesia ni Cristo na hindi sila tutol sa pagpapatupad ng batas pero tutol sila sa pagbaluktot nito para pagtakpan umano ang katiwalian.
Kasunod ito ng biglaang rally ng mga miyembro ng INC sa People Power Monument ngayong Martes, June 30.
Kinuwestiyon din nila ang nakatakdang isampang plunder case laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa natanggap umanong campaign donation ng senador noong 2025 elections.
"Sinusuportahan ng Iglesia Ni Cristo ang itinataguyod ni Senator Marcoleta dahil ito rin ang posisyon namin," saad ni INC Spokesperson Edwil Zabala.
“Kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta ay hindi kami titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga kababayan nating ninakawan,” dagdag niya.