1 week na nakalipas, ngayon ko lang naisip. Naka community quarantine tayo pero paano nga pala yung mga sa kalye lang nakatira? Paano sila? Hindi ako nakakatulong i know, pero ang bigat sa pakiramdam.
Huminto sa stoplight sa gitna ng coverage. May dalagitang kinilig na makakita ng kotse, lumapit para manlimos.
“Ate,” sinabi ko nang malakas para tagos sa n95 - “umuwi ka. Delikado sa labas, magkakasakit ka. Uwi na, Ate.”
Ngumiti siya, at humakbang paatras.
“Wala akong bahay.”
Lord please touch all our leaders/authorities to use all our calamity funds for the people. In this time, wala na sana matempt magtago for personal interest. People are dying and sacrificing their lives. This is our prayer.