Naniniwala ako sa karma.
Na kung ano ang binibigay mo sa mundo, ganon din ang ibibigay niya sa iyo. Na kapag binato mo siya ng bato, hindi tinapay ang ibabato niya kundi bato rin, pero ang advantage ni Karma sa ‘yo, hindi mo alam kung kailan siya darating. Mabibigla ka na lang.