Once lang nagdrop ngayon si Fhei, tas nakuha ni Reg.
Isa lang service ace ng AdU against us, ang UST naka 6.
Yung mga OOS ng AdU na halos walang makuha ang UST nung elims, halos nakuha at nakapa lahat.
Thank you for giving your best, Tigresses!!!
Sobrang prepared! 😭
UST is like a toxic boyfriend na once you're starting to move on na, may gagawing mga grand gesture to get you to stay. Nakakabaliw maging plema sa totoo lang. Kahit games against UE di ka safe eh.
What should we do to stop DLSU?
This is the Tigresses’ biggest test of the season so far. Time to see if UST can disrupt the system, stay disciplined, and rise to the moment.
I had a feeling my neighbor is going to steal my car.
So I stole his car first. And kidnapped his children. Then burned down his house. Everything is normal.
If the honorable congressman thinks those remarks belong in the halls of Congress, one can only imagine what passes for normal conversation in private, especially when women aren’t in the room.
What followed was even worse: intellectual dishonesty and refusal to engage with criticism. The familiar playbook of strongman politics that seems to be spreading everywhere these days.
Ito ang problema ng maraming mambabatas.
Hindi nila alam ang batas. Our lawmakers are the law breakers.
Mula sa Bawal Bastos Law hanggang sa Anti-Plunder Act o Anti-Graft & Corrupt Practices Act. Kaya bastos na, ang marami - magnanakaw pa.
why are the DDS so successful at their campaign?? well, my prof said it best, their camp understands basic social psychology, such that they were able to weaponize anger and focus it towards a marginalized group (drug addicts). on the other hand, the opposition doesn’t want to——
LOOK: Bombshell affidavit detailing the money corrupted by and under the orders of Sara Duterte from illegal drugs, confidential funds, and POGO.
Key highlights include:
1. Sara and husband Mans Carpio instructing the pick up of the magnetic lifters from Customs.
2. Distribution of confidential funds to Laguna, OVP, and Office of the Ombudsman.
3. ONE BILLION PESOS delivery confirmed by Tatay Digong himself.
Ikulong na yan mga kurakot at criminal syndicates!
#Accountability
#DutertePanagutin
The Ombudsman must serve the people, not those in power.
Ombudsman Remulla’s move is a long-overdue correction to a policy that weakened transparency and accountability by restricting public access to SALNs.
Kapag bukas sa publiko ang SALN, nagiging mas mahirap pagtakpan ang ninakaw ng mga tiwali. Panahon na para sa lahat ng lingkod-bayan: buksan ang SALN, at ibalik ang tiwala ng taumbayan sa ating mga opisyal.
DOON TAYO SA MALINAW, HINDI SA MALABO.
Hindi sapat ang pasya ng House Budget Amendments Review Subcommittee na bawasan ng ₱40B ang Unprogrammed Appropriations (UA), dahil higit ₱200B+ pa rin ang nakatago dito.
Itigil na ang mga palusot para maipilit lang ang UA. Kung kailangan ng dagdag pondo para sa loan obligations, may legal at malinaw na paraan: supplemental budget. At sa nabanggit ng Malacañang na kalamidad at emergency, may existing nang Contingent Fund na ₱13B at NDRRMF (Calamity Funds) na ₱31B.
Deserve ng taumbayan malaman kung saan napupunta ang kanilang buwis. I-ZERO NA ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS.
So after all that noise, Kiko Barzaga is filing an impeachment complaint against the very President who exposed the flood control scandal.
The ground for impeachment? “Betrayal of public trust.” 🐈⬛
Make it make sense. 😹
If this complaint does not progress, they’re banned from filing another one within one year.
Meaning?
The President just got a one-year shield from impeachment courtesy of Congressman Meow’s stupidity. 🐈😺
ISANG OPEN LETTER KAY G. ANTHONY TABERNA
Hindi Lahat ng Dumaan sa Plenaryo ay Insertion
Hi Anthony,
Kamusta ka na? I hope this letter reaches you in good spirits.
Narinig ko ang paliwanag mo tungkol sa issue ng “insertion” at kay Risa.
Ang intindi ko sa sinabi mo ay lahat ay insertion, kahit yung ginawa sa plenaryo o sa Bicam. Kapag naaprubahan sa plenaryo at dumaan sa Bicam, insertion na rin ‘yon.
At nang sabihin ni Risa na wala siyang ginawang “Bicam insertions” sinabi mo na “technical” ang sagot niya.
Pero Anthony, hindi ito pagiging technical, ito ay pagiging tapat sa proseso.
I. “Amendment” - Ang tanging kinikilalang termino ng batas
Malinaw sa 1987 Constitution, Art. VI, Sec. 24–25(1):
“All appropriation bills shall originate from the House, but the Senate may propose or concur with amendments.”
Iyan lang ang opisyal na kapangyarihan ng Senado na magmungkahi o umayon sa amendments.
Walang binabanggit ang Saligang Batas tungkol sa “insertions.”
Ang amendment ay ginagawa habang bukas ang plenaryo, may debate, may boto, at nakatala sa Journal.
Ito ang demokratikong proseso , malinaw kung sino ang nagpanukala at paano ito pinagtibay.
II. “Insertion” - Ang tamang kahulugan at hangganan
Dito kadalasang nagkakagulo.
Ginagamit ng ilan ang “insertion” para ilarawan ang anumang dagdag sa budget. Pero sa batas, ang tawag diyan ay amendment kung ito ay ginawa sa plenaryo o committee hearing.
Iba ang insertion.
Hindi ito termino ng batas. Ito ay praktikal na tawag sa mga idinagdag pagkatapos maisara ang plenaryo, karaniwan sa Bicameral Conference Committee (Bicam).
At malinaw ang tungkulin ng Bicam:
“To reconcile disagreeing provisions of the Senate and House versions.”
Ibig sabihin: magrekonsilya, hindi magdagdag.
Kaya kapag may bagong item na pumasok sa Bicam na hindi pinag-usapan sa alinmang bersyon, iyan ang tunay na Bicam insertion, labas sa proseso.
III. Pero hindi lahat ng idinagdag sa Bicam ay mali
May mga pagkakataon na ang Bicam ay nagre-realign lang ng pondong dati nang kasama sa alinmang bersyon. Yan ang tinatawag nating legitimate reconciliation.
Ang problema ay kapag may bagong proyekto o alokasyon na wala sa alinmang bersyon at hindi dumaan sa debate o boto.
Doon ito nagiging irregular o iligal.
Kaya kung gusto nating maging eksakto:
“Amendment” — ginagawa sa liwanag, may tala, may boto.
“Insertion” — ginagawa sa dilim, walang record, walang umaako.
IV. Kaya hindi tamang sabihing “technical” si Risa
Kapag ginamit ni Risa ang terminong “Bicam insertion”, hindi siya nagtatago sa teknikalidad, inaayos niya ang katotohanan.
Precision is not evasion, Anthony. it is just being honest.
Ang pagiging malinaw sa termino ay hindi pagtatago, kundi paninindigan.
V. Halimbawa ng mga totoong “Bicam insertions”
Noong 2019, sina Sen. Ping at ilang senador ay nag-report ng ₱75B na dagdag sa DPWH budget na ginawa sa Bicam nang walang deliberasyon.
Ngayong 2025, muli itong lumitaw, may ₱142.7B na idinagdag umano sa Bicam na wala sa bersyon ng Senado o Kamara.
Iyan ang ibig sabihin ng insertion —
hindi dumaan sa proseso, lumabas lang pagkatapos.
VI. At sa sitwasyon ni Risa
Si Risa ay nagmungkahi ng amendments nang bukas at malinaw, tulad ng ibang senador.
Pero nang makita niyang binawasan ng Bicam ang pondo ng PhilHealth, 4Ps, edukasyon at ₱373B ang nadagdag sa unprogrammed funds, tumanggi siyang pumirma sa Bicam report at bumoto ng “NO” sa 2025 budget.
Kung totoo ngang may insertions siya, bakit niya tatanggihan ang mismong budget na iyon?
🕯️ Panghuli
Hindi lahat ng dumaan sa Plenaryo ay insertion.
Hindi lahat ng dagdag ay mali.
Ngunit ang Bicam insertion, iyong idinagdag nang palihim at walang tala,
iyan ang dapat bantayan.
Huwag sana nating sabihing “technical” ang pagtutuwid ng termino.
Dahil sa panahon ng disinformation,
ang katotohanan mismo ang ating pinakamalinaw na anyo ng katapangan.
Maraming salamat, Anthony. At nawa’y mabuti kayo ng inyong pamilya.
Gumagalang,
Edwin