Sa dami ng kunwaring galit sa korapsyon sa gobyerno, magtataka ka rin kung bakit talamak pa rin ang pandarambong sa Pinas. Puro panukala, puro imbestigasyon, puro palabas, puro satsat. Pero ang mga big-time kurakot? Napaparusahan ba? Hindi. Mas nananalo pa sa eleksyon.