Ang ganda ng message ng homily ni Father. Reminder na hindi natin kailangang hintayin na maging okay ang lahat bago tayo magsimulang mabuhay ulit. Kahit may sakit, lungkot, problema, o pinagdadaanan ka, pwede ka pa ring ngumiti, sumaya, kumilos, at magpatuloy. Hindi ibig sabihin na masaya ka ay wala kang problema. At hindi rin kailangang mawala muna lahat ng bigat bago mo payagang maging masaya ang sarili mo.🥺🤍