We are with you, you are not alone. We encourage you to air out your concerns with us and seek help by filling out this form: https://t.co/vrBZVWOr9U or contacting our VAWC hotline: 0939-726-0905 and socmed accounts.
Rest assured that all information will be confidential. 💜🤍
Ang IGY SLU ay nakikiisa sa pagkundena sa nangyaring redtagging forum sa SLU. Kaisa din ako sa pagkundina sa mga serye ng red-tagging seminars sa mga pamantasan at high school sa Baguio at Benguet! Hindi terorismo ang pagtindig at paglaban para sa karapatan!
ALERT!
Ngayong ika-12 ng Marso, naglulunsad ang Task Force Baguio, na pinapangunahan ng AFP, ng isang Red-tagging forum sa loob ng Unibersidad ng San Luis.
Kaya naman, bilang mga kabataan, kababaihan, at tagapagtanggol ng karapatang pantao, makiisa tayo sa pagpigil sa mga aktibidad, tulad na lamang ng forum na ito, na naglalayong ilagay ang buhay ng mamamayan sa panganib. Tutulan ang red-tagging sa loob at labas ng ating pamantasan!
ICYMI:
Kahapon, ika-8 ng Marso, ay nakiisa ang Innabuyog-Gabriela Youth SLU, kasama ang iba’t ibang progresibong organisasyon at indibidwal sa Metro-Baguio, sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis sa Igorot Park, Baguio City.
Kasabay din nito ang pagsayaw ng One Billion Rising Dance bilang pagtindig laban sa iba’t ibang porma ng abuso at karahasan. Ito ay isang protesta at sayaw na base sa istatistika na 1 sa 3 mga kababaihan ang nakaranas ng abuso sa kanilang buhay; kung susumahin ay 1 bilyong babae.
𝑴𝑨𝑷𝑨𝑮𝑷𝑨𝑳𝑨𝒀𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑵𝑫𝑨𝑰𝑮𝑫𝑰𝑮𝑨𝑵𝑮 𝑨𝑹𝑨𝑾 𝑵𝑮 𝑴𝑮𝑨 𝑲𝑨𝑩𝑨𝑩𝑨𝑰𝑯𝑨𝑵𝑮 𝑨𝑵𝑨𝑲𝑷𝑨𝑾𝑰𝑺!
Marso 8, 2023, iginagawad natin ang pagkilala sa kadakilaan ng mga kababaihan, sa loob at labas man ng tahanan, sa trabaho at sakahan, pati na rin sa pakikibaka.
𝐀𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝐚𝐲 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧!
Siyang ulirang nagluwal sa lipunan,
Siyang naghahain ng kaniyang kagitingan,
Siyang umaani ng bawat butil sa palayan,
Siyang nagbabahagi ng kaniyang karunungan,