This ad irked Duterte so much that he tried to revoke Trillanes’ amnesty and successfully denied ABS-CBN a franchise.
All for it to be hauntingly prophetic.
Wait, wait, wait, listen up, listen up!🎶
The 'Step Back' Performance Visualizer drops on June 27, 8PM PHT!🔥📡
In the meantime, stream the rest of the 'Signals' EP here:
🔗 https://t.co/sVnIlDGrMq
#BINI#BINI_SignalsEP#BINI_StepBack#BINI_StepBackPV
Kung ang una mong response ay isisi kay Kiko Pangilinan ang shooting na nangyare sa Tacloban. Baka ikaw ang isa sa dahilan kung bakit sandamakmak ang mga maling information na naabsorb ng mga bata.
Anong basura na ebidensya yan na may picture? Na isasama ang buong pamilya para tumanggap ng suhol tapos mapapapicture pa sa mga tao pagkatapos? Ginagago ninyo ang taumbayan.
Walang kwenta. Kagaguhan. Kasinungalingan. Humanda kayo sa mga kasong isasampa laban sa inyo.
as someone who recently watched bones and harrow, ang interesting ng forensic science haha sana magkaron ng ganito sa pilipinas, kaso mukhang malabo kasi ayaw naman nila nalalaman tunay na nangyayare sa mga pinapatay dito
Nitong mga huling pag-ikot ko sa iba’t ibang paaralan, maraming lumalapit sa akin mula noong nakaraang halalan, nagsasabing binoto nila ako kahit akala raw nila ayaw ko sa mga bakla.
Hindi po iyon totoo.
Ang totoo, galing ako sa konserbatibong pinagmulan at sa henerasyong hindi laging naturuan na pakinggan nang buo ang karanasan ng LGBTQIA+ community.
Inaamin ko, tulad ng maraming Pilipino, may mga bagay akong mas matagal dapat pinakinggan, mas malalim dapat inunawa, at mas maaga dapat ipinaglaban.
Mas nauunawaan ko ito dahil minsan ko na ring naranasan ang pakiramdam na tila mag-isa ako sa laban. Noong panahong tumetestigo ako sa Sandiganbayan kahit resigned na ako sa COA, alam ko ang bigat ng paninindigang hindi palaging komportable, pero kailangang gawin.
Sa mahabang panahon ko sa COA at sa United Nations, napalibutan ako ng mahuhusay, matatalino, masisipag, at mapagkakatiwalaang LGBTQIA+ colleagues and friends. Marami sa kanila ang naging katuwang ko sa trabaho, sa paglilingkod, at sa mahihirap na panahong kailangan ko ng tapang at malasakit. Marami rin sa kanila ang nakasama ko sa kampanya.
At dahil ligtas ako sa piling nila, may mga panahong inakala kong ligtas na rin sila sa mundo.
Doon lumalim ang aking pag-unawa.
Hindi sapat na mahalin natin ang LGBTQIA+ sa opisina, sa pamilya, sa simbahan, sa kampanya, o sa barkada kung sa labas ng mga espasyong iyon ay may mga Pilipino pa ring maaaring mawalan ng trabaho, mapahiya sa paaralan, maitaboy sa ospital, tanggihan ng serbisyo, o husgahan dahil lamang sa kanilang pagkakakilanlan.
Lilinawin ko lamang: hindi ako tumalikod sa aking mga prinsipyo. Mas naging malinaw lamang sa akin na ang prinsipyo, kapag tunay, dapat marunong makinig, matuto, at magprotekta sa taong mas madaling masaktan ng lipunan.
Alam kong may mga relihiyosong Pilipino na nag-aalala. Naiintindihan ko po iyon. Mahalaga ang pananampalataya sa ating mga pamilya, komunidad, at konsensya.
Ngunit hindi kailangang magbanggaan ang pananampalataya at proteksyon laban sa diskriminasyon. Sa pananampalatayang buhay, may puwang ang katotohanan, katarungan, awa, at pagpapakumbaba.
Nalulungkot nga ako kapag naririnig kong may mga LGBTQIA+ na hindi na nagsisimba dahil hindi nila maramdamang may puwang sila sa Simbahan.
Mas gaganda siguro ang usapan kung magsisimula tayo sa pakikinig, hindi sa takot; sa paggalang, hindi sa paghuhusga; at sa malinaw na layuning walang Pilipinong dapat apihin dahil sa kanyang pagkatao. Sa ganitong konteksto, gusto kong taos-pusong bumati ng Happy Pride!
Maraming salamat sa paghintay sa mga katulad kong mas mabagal na nakarating sa mas malinaw na pag-unawa. Pero dapat hindi naghihintay ang karapatan habang kami ay natututo.
Kailangang seryosohin ang proteksyon laban sa diskriminasyon. At kailangang matuto rin ang mga tulad ko na ang mabuting intensyon ay hindi sapat kung hindi ito nauuwi sa mas makatarungan at mas makataong paninindigan.
#HappyPride
#PrideMonth2026
#PridePH
TAENA. MAY MALETA DIN ICC????????
HAHAHAHAHAHAHAHAAAAHAAH
TANGINA. MARCOLETA SOBRANG BOBO NG SCRIPT NIYO. HAHAHAHAHAHHAHA
PATI "MAJORITY" NAPAPAHIYA SA IYO EH.
KAYA PALA INIWAN KA NI PIA! HAHAHAHAHAHAHAHA
Kumusta po kayo? Sagutin ko na po ito nang hindi pasigaw, since may sufficient legal background naman ako dahil nagtuturo ako ng Law on Obligations and Contracts.
Sa batas, Article 1174 of the New Civil Code in particular, ang force majeure ay itinuturing na isang event that “could not be foreseen, or which, though foreseen, were inevitable.” Sa Tagalog, “hindi inaasahan o kung ito man ay inaasahan, ay hindi maiiwasan.”
Ngunit, hindi dahil may force majeure na, maaari na natin itong gamitin bilang dahilan upang baguhin ang existing rules o sabihing balakid ito para magampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin o obligasyon.
Upang maging applicable ang force majeure, may apat itong requisites:
(1) The cause of the unforeseen and unexpected occurrence or of the failure of the obligor to comply with its obligations was independent of human will (ang sanhi ng hindi inaasahang pangyayari, o ng pagkabigo ng may obligasyon na tuparin ang kanyang tungkulin, ay malaya o wala sa kontrol ng kagustuhan ng tao);
(2) It was impossible to foresee the event or, if it could have been foreseen, to avoid it (imposible na maasahan ang pangyayari o, kung sakaling maasahan man ito, imposible itong maiwasan);
(3) The occurrence rendered it impossible for the obligor to fulfill its obligations in a normal manner (dahil sa pangyayaring ito, naging imposible para sa may obligasyon na tuparin ang kanyang tungkulin sa normal na paraan); and
(4) Said obligor was free from any participation in the aggravation of the injury or loss (ang taong may obligasyon ay walang kinalaman o hindi nakibahagi sa pagpapalala ng pinsala o pagkawala).
Hindi rin dahil applicable ang force majeure sa isang sitwasyon ay pwede na itong basta-basta gamitin sa ibang sitwasyon.
Ngayon, gamitin natin ito sa kaso ni Senator Bato. Kunwari gagamitin itong ground para payagan siyang bumoto online habang ang ibang mga miyembro ng Senado ay physically present sa isang pagpupulong. Sa tingin ko, hindi pwede. Walang force majeure na masasabi.
Una, ang sanhi ng pagkabigo ni Senator Bato na tuparin ang kanyang tungkulin ay hindi independent of human will. Walang pumipigil sa kanya na pumasok sa Senado. Siya mismo ang umiiwas pumasok.
Pangalawa, dapat ang mismong force majeure ang dahilan kung bakit imposible para sa kanya na makapasok. Ano ang kinalaman ng mga sinasabing giyera sa pagpasok niya sa Senado? Bakit ngayon lang ito binanggit? At kung totoo man, bakit siya lamang ang hindi makapasok? Bakit ang ibang mga senador ay nakakadalo naman?
Kailangan tandaan na ang force majeure ay dapat magdulot ng actual impossibility, hindi mere difficulty, inconvenience, o personal preference lamang.
At huli sa lahat, bakit hindi ilagay sa resolution ang tunay na purpose kung bakit kailangang baguhin ang rules? Kung may sapat na basehan, bakit kailangang madaliin? Bakit hindi pwedeng pag-usapan nang maayos sa plenaryo? Bakit hindi na lamang sagutin ang mga tanong ng mga kapwa senador?
If the amendment is supported by compelling institutional necessity, then transparency as to its purpose should not be difficult to provide.
Hindi dapat binabago ang rules dahil lamang gusto ito ng mas nakararami. May proseso ang institusyon ng Senado. Galangin natin ito.
Okay? Okay.