Higit sa lahat, PUSO.
Pusong tapat
Pusong hindi paimbabaw
Hindi mayabang
Dahil sa bawat pagtupad mo ng tungkuling ibinigay ng Amang Banal
Puso mo pa rin ang Kaniyang tinitingnan.🇮🇹
Kung hihiling kana sa Ama ng taong makakasama,
Nawa'y hilingin mo sa kniya ung magagandang katangian,
Yung taong mas mahal ang IGLESIA/TUNGKULIN/KAHALALAN niya,
Ung taong sasamahan ka at laging Pipiliin ka Pangalawa man o pangatlo sa lahat,dahil alam niya kung ano ang mas Una.
Sa pagmamahalan, tinuruan tayo ng angkop dahil marami ng napahamak sa mga sumuway at sa mga hindi marunong sumunod. Kaya, matuto sana tayong maghintay kapag nasa tamang pagkakataon na ang lahat. Dahil ang labag ay labag at hindi kailanman makalulugod sa mata ng Diyos.
Doon sa tahanan ng Diyos nagiging payapa ang maingay na mundo, gumagaan ang bigat na nadarama, dahil naririyan Siya para yakapin ka sa bawat panalangin mo. 🇮🇹
Mapalad ka kung ang taong mahal mo ay may mataas na pagtrato sa tungkuling sinumpaan niya sa Diyos. Kahit nahihirapan, kagalakan pa rin niya ang pagtupad. Hindi paimbabaw at palaging mababa ang kalooban.
Habang tumatanda tayo, natututo na tayong umiwas sa mga bagay at mga taong makakapagdrain ng energy natin. Yun ang nagiging mindset natin, kung makakaapekto sa peace of mind at happiness mo, ikaw nalang ang mag-adjust. Hayaan mong mapagod sila, titigil rin sila pagdating ng araw.
Matuto tayong magpasalamat sa mga taong kinasangkapan ng Diyos para makabangon tayo. Dahil kahit napakabigat ng pinagdadaanan mo, kung marami ka namang tunay na kaibigan, hindi mo mararamdamang mag-isa kang lumalaban. Biyaya sila sa'yo, kaya sana pakaingatan mo silang palagi.
Alam na alam ng Ama ang layunin ng puso mo. At sa maraming pagkakataon, hindi ka pa humihingi, ibinibigay na Niya. Magtiwala ka lang at tahimik na maghintay. Dahil balang araw masasabi mong "ito na yung sagot sa aking ipinagpanata."
Pumanatag ka, dahil kahit hindi niya ipagsigawan, sapat na yung ibinubulong niya sa Ama kung gaano ka niya kamahal. Yun sana ang relasyong ating matutunan, yung ang bakod ay panata, mas payapa, tahimik pero tunay na masaya.