Ako bahala kay Nanay, kay Nanay ako babawi sa pagkukulang ko sayo. Mahal na mahal kita tay, alam ko naman na alam mo kung gaano kita kamahal. Lagi kami magiingat dito, di kita makakalimutan.
Its been a year Tay, miss na miss na miss kita! Sobra! Minsan gusto kita sisihin, madalas gusto ko sisihin sarili ko, ang dami ko gusto sisihin. Pero nananaig lagi pagmamahal ko sayo.
Okay lang kami dito, mahirap kasi wala ka. Pero kaya namin to.