Salaysay ni Ms Pam Magdaluyo:
Si Baby Q , isang batang namumuhay na may HIV. August 2020 ng si baby Q ay ma diagnosed at nagsimulang uminom ng mga anti retroviral medicine at mapabilang sa mga batang nasa kalinga ng TRR Duyan Program.
Last July 2023 ay kinapitan ng mga opportunistic infection si baby Q at kinailangang ma admit sa isang hospital sa Region 3. Halos umabot ng 2 buwan si baby Q sa hospital at naging drug resistant sa lahat ng uri ng antibiotics. Makailang beses ng na revive ang buhay at makailang beses ng gustong tubuhan pero hindi pinayagan ng lola na ito ay matubuhan. Lingguhan kong binibisita mula Manila si Baby Q upang makita at bigyan ng suporta ang lola na walang kapalitan man lang sa pagbabantay sa kanyang apo. Nakakadurog sa puso at nakakaiyak makita si baby Q na sa bawat pagbisita ko ay lalu siyang lumiliit at halos nakadikit na ang balat at buto , iritable , umiiyak dahil sa mga sakit ng mga nakakabit sa katawan.
September, pinagdesisyunan na ilabas na siya ng hospital at sinabihan ang lola na palanghapin na ng sariwang hangin sa bahay at ibigay ang lahat ng gustong kainin ar naisin ni baby Q. Sa madaling salita ay maghintay na lamang malagutan ng hininga ang bata sa bahay.
Ng mabalitaan ko ang ginawang pagpapalabas kay Baby Q mula hospital ay agad akong humingi kay sir Ico ng tulong para matulungan na makahanap ng hospital na pwedeng makatulong sa kundisyon ng bata. Salamat sa buong pusong pagtanggap ni Dra. Karen Sta. Maria Pediatric Infectious Dr ng Jose B Lingad Hospital ng San Fernando Pampanga. Agad na naipasok sa isang isolation room si baby Q at sa loob ng isang buwan sa kanilang pangangalaga sa hospital ay bumuti at gumaling ang mga infection sa katawan, nagkalaman at nagagawa ng ngumiti at naging masigla.
Masasabi kong himala at talagang nakakaiyak sa tuwa na makitang malaki ang naging pagbabago ni baby Q. “ Laban lang “ yun ang naging magic word namin lalu na sa para sa lola na ang sandigan at kinakapitan ay ang pagmamahal sa kanyang apo na walang kamalay malay sa kung anuman ang meron sa kanyang katawan.
Ang kwento ni baby Q ay isa lamang sa mga kwento ng mga batang namumuhay ng may HIV na nagawang mapagtagumpayan sa kabila ng mga hamong kinaharap. Patuloy na lalaban at aasa na ang Pilipinas ay maging isang better place na malayang makapamuhay na walang stigma at diskriminasyon ang lahat ng batang may HIV.
Salamat po sa lahat ng mga taong tumulong at naging kaagapay ni baby Q sa kanyang laban. Salamat po sa mga taong patuloy na tumutulong sa Project Duyan.
Salamat po sa programa ng Project Red Ribbon na siyang patuloy na tumutulong at nangangalaga sa mga Children Living with HIV sa Pilipinas.
Salamat sa Diyos sa lahat ng grasya ng kagalingan at pagpapala para sa mga batang kinakalinga ng TRR DUYAN. “ Tuloy lang ang Laban “
@realmicic Pag tatlong cottages ni rentahan nila 1 for daddy and mommy, 1 for the kids, 1 for the yayas and 1 for the drivers. Breakfast delivered to their cottages lunch at the club and dinners alfresco by the beach with candle lights and torches.
@realmicic They only wear natural fibers linen , cotton for day wear and silk for evening. Mommy wears a wide brimmed hat and big shades and kaftan with one piece bathing suit under. Daddy wears swim shorts and sunglasses with h8s perfect tan.
@yo_yno Kaya mo yan my dear ram you have your second family HOM who supports you no matter what just focus. Be the best version of who you are..!!!!!!!!