Ay may pahabol pala. If totoo man reincarnation, gusto ko maging elf. O kaya maging mage. Fantasy ba lol. Tas maging kaibigan dragon, yung typical isekai o reincarnation story. Especially yung powerful ako pero nagfarming nalang ako. Harem pede din hehe
Sa dami ng gusto ko na karamihan di naman mangyyare at kahit mukhang kaya, ay malabo padin. Pero sana kahit onti lang sa mga gusto ko magawa ko kahit bago man lang ako mawala sa mundo. π
And lastly, gusto ko na kapag namatay ako, maalala ako ng mga taong minahal at naging parte ng buhay ko na successful, madameng nagawa, napuntahan, natulungan. Na kahit umiyak sila, may ngiti padin.
Gusto ko maranasan na pipiliin ako ng mahal ko at walang iba. Madamot man pero maghihiwalay man kame e dahil wala ng spark, hindi dahil pinagpalit ako, tinwo timed, o siya lang nagsawa. Gusto ko matumbasan loyalty and trust ko sa relationship.
Gusto ko din ipamper sarili ko para naman kahit papano maging maayos katawan at amoy ko. Kase mataba na nga pangit pa mabaho pa lol. Inangkin lahat. Yung massage, derma, sauna. Kahit mahal yung kaya ko.
Gusto ko kumain ng marami at iba ibang pagkain na diko inaalala na lalo akong tataba. Na magkakasakit ako at tutuksuin kase instead na magdiet, kumakain pako ng madame. I mean okay lang sana kaso magkakasakit ako kase sobrang taba ko na
Gusto ko din isurprise ako sa birthday ko na wala akong ginastos. Yung wala akong balak maghanda pero may nageffort para saken na isurprise ako together with my closest friends and family. Kahit one-time lang.
Gusto ko maligo sa patubig sa bukid, o kaya ilog kahit d ako marunong lumangoy. Gusto ko magalaga ng madaming isda. Gusto ko din nung rabbit, gecko tsaka tortoise. Na diko aalahanin pagkain at pagaalaga sa kanila.
Gusto ko din magpunta sa mga concerts, kahit yung solemn lang. Kahit yung concert nila Adelle o kaya Kpops and Ppops. Tapos pupunta sa fiesta or carnival. Manonood ng premiere night ng mga anime movies o kaya yung 4D ba yon. Kase dame ako free time.
Gusto ko rin makipagkita ulit sa mga naging parte ng buhay ko, lalo na yung mga naging kaibigan ko. Kahit yung mga di na nagbayad ng utang saken o kinalimutan nalant or tinakasan ako. Tapos invite ko sila sa bahay kase may extra space for small gatherings. Di naman maglalasing.
Gusto ko din magkaroon ng sariling office sa bahay. Tapos may halaman, may coffee side. Malawak lamesa. Pede magluto ng ramen, noodles. My arinola kase malayo cr haha.
Gusto ko din magkaroon ng family reunion na walang damutan, na masaya lahat, na walang lamangan. Na kahit di ka nanghihingi bibigyan ka. Na kahit di mo sabihin magbibigay sila ng pagkain o kahit anong bagay ng walang hinihinging kapalit.
Wala naman siguro limit sa post dito. Gusto ko din mainvite sa date, or makipagdate na para lang lumalabas. Kase nung may mga girlfriends ako before laging limited budget, restricted kase nagaaral, o kaya wala ng time kase salungat oras.
Gusto ko din magpunta sa manga cafe, na magbabasa lang ako ng lahat ng gusto ko, umiinom coffee, nasa malambot na sofa hanggang bigla nalang ako makatulog.
Pero kelangan magtrabaho, dhil gusto ko mgkaroon ng sariling bahay, family, and insurance. Gusto ko magkaroon ng kalayaan na gawin ang hobbies ko na walang restriction.
Minsan lang ako mgpost kaya mamalabisin ko na. Gusto ko na maging financially free. Gusto ko magtanim, gusto ko mgfocus sa diet, magexercise, magcamping, magdagat. Lahat ng walang iniisip na gastos, pagod at pera.
Gusto ko mgbadminton kahit sobrang taba ko na or kahit mglakad-lakad ng walang hinahabol na oras lalo n sa hapon. Kaso sa work palang exhausted nako kahit my vitamins na. Pag rest day naman kelangan mamalengke o kaya tumulong sa bahay. By the time na my oras na, tulog nalang. π₯²