ang lowkey lang nila anne and erwan as a couple kaya nakakapanibagong makita silang magka-holding hands hahahahaha na para bang bagong loveteam yarn! 😍
Sobrang lalim ng hugot ni Carlos Yulo para makarating sa ganitong perspective sa isa sa pinakamalalaking moments ng buhay nya. Hindi lang ‘yan simpleng “ayaw ko sila doon.” It’s choosing to protect a day that should be full of love and joy instead of letting old wounds, tension, or possible gulo sit in the same room.
Alam n’yo ba, nung wedding namin hindi pumunta si Papa kasi nandon daw si Mama. Syempre nainis ako. Minsan lang ako ikakasal sa buong buhay ko. Feeling ko entitled ako na nandon silang dalawa. Pero habang tumatagal, narealize ko, kung magkakagulo lang sila doon, mas okay na nga sigurong hindi na lang sya pumunta. Hindi dahil galit pa ako. Dahil ayaw ko nang masira yung araw na para sa amin dapat.
Minsan ung pinakamatapang na desisyon sa pamilya ay hindi unf “sama-sama tayo kahit anong mangyari.” Minsan ung “samin na lang muna ‘to.” Forgiveness can exist without forcing presence. Peace can exist without forcing a picture-perfect family table.
Kasal n’yo ‘un. Relationship n’yo ‘un. Deserve n’yo ung moment na hindi mamantsahan.