Napapagod na kong umintindi... Napapagod na ko maging tagapamagitan... Napapagod na ko magpaunawa...kelan ba sila matututo... Mahirap bang magbigay nang simpatya?
kelan kaya ako magkakaron ng malaking sweldo? yung tipong mababayaran ko lahat ng utang ng parents ko sa patubuan pati utang nila sa mga kapatid ko. tapos sasabihin ko sa kanila, " wag na kayong mangungutang ever! kasi ubos na ubos na ko."
tinamad na naman akong umuwi. dapat uuwi ako kaso pag sa Valenzuela, yung mga damit ko kakalkalin ko pa kung saan nila pinaglalalagay. kung ayaw ko magkalkal need ko magdala palagi ng mga damintuwing uuwi ako. di tulad dito sa QC, organize gamit ko.
kung may laptop ako pwede kong iremote? ayos ah. resigned na nga pagtatrabahuhin pa din? dami ko nang charity na naambag sa company. di ko naman kasalanang wala silang nakuhang kapalit ko hanggang sa last day ko. award naman kasi sa all-around na trabaho sa maliit na sweldo.
minsan napapaisip,ako kung concern p sa kin yung parents ko...cinocontact n lang nila ako pag may kailangan sila. nagpagupit ako ng buhok kahit na sabi ko d ako magpapagupit hanggang di ako nakakapagpakasal. mas concern pa ni mama kung binenta ko ba yung pinaggupitan ng buhok ko.
dahil puro parents lang namin yung kinocongratulate sa paggraduate ng mga kapatid ko, ako na lang magcocongratulate sa sarili koπ€£. Congrats self. Good job.