#JJSQRT - WALANG IWANAN
Patapos na ang linggo, pero hindi dito matatapos ang serbisyong medikal na kailangang-kailangan ng lahat.
Walang partido. Walang kung sinong iboboto. Purong serbisyo na mula sa tao, para sa tao.
#JJSCares#SolidGuiguinto
Nitong nakaraang mga araw ay sunod-sunod ang paghahatid natin ng oxygen tank, assistance sa pag-swab at pagdadala ng JJS Carekits. Gayunpaman, wala tayong tinatanggihan at hinihindian kahit anumang oras.
#JJSCares#SolidGuiguinto
MALIGAYANG PAGDIRIWANG NG SINGKABAN!
Ang tema ngayong taon na “Paglingon, Paghilom, Pagbangon” ay isang makahulugang mensahe na tayong mga Guiguintenyo katulad ng isang kawayan, ay hindi mababali at babangong muli sa pandemyang kinahaharap ngayon.
#JJSCares#SolidGuiguinto
Bukas na ng alas-dose ng tanghali ang GUIGUINTODO NA ‘TO! THE VMJJS NOONTIME GAME SHOW 👍🏻
Kami na ang bahalang gumising sa nakakantok mong tanghalian, maghahatid ng tuwa at saya at magbibigay ng pa-premyo. Mapapanuod tuwing Lunes - Miyerkules - Biyernes, 12nn to 12:30pm!
Mayroon mga registered pharmacists na mangangasiwa ng ating botika. Abangan ang mga susunod na announcement patungkol sa schedule ng paglilibot hindi lamang sa barangay kundi sa loob mismo ng mga eskenita, sitio at purok — ilang hakbang lamang sa labas ng inyong tahanan!
May mga pagkakataon na tinatanong ko kung bakit kailangan ko pang gawin ito. ‘Yung para sa pamilya ko at para sa sarili ay ibabahagi mo para sa iba. Pero lagi ko ring napagtatanto na isang karangalan ang paglingkuran ang bayan, ang Guiguinto.
Patuloy tayong makikipaglaban
para puksain ang kahirapan
para sa pantay na karapatan
para makapagsalba ng buhay sa gitna ng pandemyang walang kasiguraduhan…
kasama ng mga bagong bayaning may wagas na pag-ibig at paglilingkod sa bayan 🇵🇭
#ArawNgMgaBayani#NationalHeroesDay2021
Kinikilala natin ang kahalagahan ng ating mga senior citizens sa ating lipunan. Utang po namin sa inyo ang hindi masusukat na karanasan, kaalaman at katatagan na mahalagang sangkap sa kaunlaran ng bayan ❤️#WorldSeniorCitizensDay
AYOS BA TAYO DYAN? JJS ONLINE KUMUSTAHAN ✨
Dahil lockdown at maraming di pwedeng puntahan, ako ang papasok sa inyong mga tahanan online, live mamayang 5pm sa ating fb page!
Thanks @jjscares for this interview. #CoolKaLang is the 3rd season of #Thinksmarter as we discuss more regional issues particularly in Guiguinto Bulacan.
YouTube https://t.co/B9XqJZyDBZ
Podcast https://t.co/BpHzJiZ71x
Facebook https://t.co/A1v0P1aH1B
Blog: https://t.co/5JCdbfIn10