Tama bang minamadali ang Pax Silica? Kailangan muna ng tunay na konsultasyon sa mga lokal na komunidad, masusing pagsusuri sa epekto sa kalikasan, at kasiguruhang hindi tataas ang presyo ng ating tubig at kuryente.
Inihain na natin ang VAT Reduction Bill (HB 9156) para ibaba ang VAT mula 12% to 10%. Permanenteng bawas-buwis ito sa halos lahat ng binabayaran natin, tulad ng gasolina, kuryente, at pagkain.
Panahon na para ipasa ito.
Maraming Pilipino ang nagdurusa sa sobrang taas ng presyo ng kuryente at bilihin. Kasabay ng pinalawak
na income tax exemptions, KAILANGAN RIN NG VAT REDUCTION.
Mag-iisang taon na nang sinabi ng pangulo sa kanyang SONA na mananagot ang mga buwaya sa flood control. Ngayong SONA, hindi pangako ang kailangan ng bayan kundi MAPANAGOT ANG MGA KURAKOT.
Isang panalo para sa katotohanan.
Inaprubahan ng Impeachment Court ang ating request na ipa-subpoena ang bank records, tax records at AMLC reports kaugnay ni VP Sara Duterte.
Confidentiality cannot trump accountability. Sang-ayon ba kayo?
Ngayong araw, inaprubahan ng impeachment court ang ating hiling na ipa-subpoena ang mga bank records, tax records, at AMLC reports kaugnay ni VP Sara Duterte at ng kanyang asawa.
Mahalaga ito sa usapin ng unexplained wealth. Ayon sa Korte Suprema, kailangang ihambing ang yaman ng isang opisyal noong una siyang pumasok sa gobyerno laban sa lahat ng perang pumasok sa kanyang mga accounts sa nakalipas na mga taon. Dito malalaman kung tugma ba ang kanyang lehitimong kinikita sa aktwal na yaman niya.
Umaasa tayo sa tuluyang paglabas ng lahat ng ebidensya.
I-share ito kung naniniwala kang dapat nakabatay sa buong katotohanan ang hatol ng Impeachment Court!
China must be condemned in the strongest possible terms for portraying Filipinos as monkeys.
We will not reply with racists remarks. We will just call them as they are: intruders and violators of international law.
Bakit ayaw ilabas ang mga bank records, tax records, at Anti-Money Laundering Council reports ni VP Sara?
Hindi pwedeng idahilan ang confidentiality, lalo na kapag impeachment ang pinag-uusapan. May karapatan ang mga Senator-Judge na malaman ang buong katotohanan para makapagdesisyon nang tama.
Panoorin ang video para sa buong detalye.
Kayo, ano sa tingin niyo? I-comment ang inyong opinyon at i-share ang video na ito para mas marami ang makasali sa usapan!
Ang integrity ay hindi pwedeng biyak-biyakin.
Malinaw ang batas. Ayon sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713) na alinsunod sa Konstitusyon:
“Public officials and employees shall at all times be accountable to the people and shall discharge their duties with utmost responsibility, integrity, competence, and loyalty, act with patriotism and justice, lead modest lives, and uphold public interest over personal interest.”
Public office is a public trust. Integrity is a continuing requirement of fitness for office.
Regardless kung 32 million pa ang bumoto, hindi yun excuse para magnakaw at mangontrata ng assassin.
Hindi issue kung ilan ang botong nakuha. Ang issue eh integridad pagkatapos pagkatiwalaan.
Did you notice? Ang dipensa, hindi man lang sinabi na inosente ang kliyente nila sa buong opening statement?
ALAM KASI NILANG HINDI kaya puro teknikal na lang.
What is this bullshit defense? A lot of people voted for her therefore she can steal billions to enrich herself???
The emphasis on “she won more votes than YOU” plus “Filipinos never FORGET” is giving threats for the next election
Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets yung mental gymnastics
1 Sinabihan ka na wag iboto yung isang magnanakaw
2 Binoto mo pa rin kasi uto-uto ka
3 Nalaman mong niloko ka lang pala
4 Sinisi mo na lang yung nagsabi sayong wag ka magpaloko
5 So boboto ka ulit ng isa pang shunga