Mayor Leni Robredo 💕
"Sen Erwin Tulfo is in Naga today. We presented to him our dream of making our streets more walkable. He promised to help us get funding for the Peñafrancia Avenue Redevelopment Project. Since I started my term, his office has been helping us with social welfare funds for medical assistance, scholarships, etc.
We are very grateful."
𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗔𝗡; 𝗣𝗔𝗫 𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔, 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗬𝗢𝗠
Agree ako sa kaunlaran. Hindi ako agree sa pagiging kulelat sa value chain ng Pilipinas. Tayo ang nagmimina, tayo ang nagluluwas ng raw materials, pero ibang bansa ang nagpo-proseso, gumagawa ng higher value products, at kumikita nang mas malaki mula sa yaman na galing din sa atin.
Agree ako na sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Ayon sa datos, pang-anim tayo sa kabuuang nickel reserves ng mundo (at top 2 sa production). In principle, agree ako sa isang proyekto na nagsasabing panahon na para umahon tayo mula sa pagiging supplier ng raw materials, at maging sentro rin tayo ng pagpoproseso, industriya, at inobasyon.
Hindi ako agree sa malalaki at matatamis na pangako ng kaunlaran na mga ordinaryong Pilipino ang nagbabayad at pumapasan, pinaka-nagsakripisyo at pinaka-naagrabyado.
Agree akong bahagi ang Pax Silica ng mas malaking pandaigdigang kompetisyon para sa teknolohiya, critical minerals, at supply chains. Hindi ako agree na patambay-tambay lang ang ‘Pinas habang umaabante ang ating mga kapit-bansa at ang buong mundo.
Agree akong hindi porke’t tinatawag na “strategic” ang isang proyekto, ‘matik na itong patas, wasto, o mainam para sa atin. Kaya dalawa ang aking pinakamahalagang sukatan sa Pax Silica: Makikinabang ba ang mga pinakamahirap at pinaka-bulnerableng Pilipino rito? Meron ba itong sapat na sustainability safeguards para protektahan ang ating environment?
Hindi ako agree na kapalit ulit ng pangako ng industriyalisasyon at pag-unlad ang kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, mga katutubo, at mga pamilyang Pilipino na hirap na hirap nang kumita. At sa panahon ng climate crisis, na dama na natin sa heat waves at super typhoons, sa tagtuyot at mas madalas at matataas na pagbaha, hindi rin ako agree na maging kapalit nito ang biyayang kalikasan, lalo na ang tubig na bumubuhay sa atin at sa ating mga pananim.
Agree ako na hindi hadlang sa pag-unlad ang lahat ng mga usaping ito tungkol sa lupa, tubig, kabuhayan, at posibleng community displacement, maging kuryente at ingay. Sa totoo lang, mismong ang mga ito ang magtatakda kung tunay nga ba ang progreso.
Hindi ako agree na ang framework agreement na kasalukuyang pinag-uusapan ay hindi dadaan sa mahigpit at transparent o bukás na pagsusuri, tulad ng free, prior, and informed consent (FPIC) principles ng ating batas para sa mga karapatan ng katutubo.
Simple lang ang paninindigan ko sa Pax Silica: Kung makakatulong itong palakasin ang industriyang Pilipino habang pinoprotektahan ang mga komunidad at kalikasan natin dito sa Pilipinas, nararapat lamang itong suportahan. Pero kung ang kapalit ay ang muli at lalong panggigipit sa gipit na, at ang paggamit sa kalikasan nang walang sapat na safeguards, at para lamang may iilang limpak-limpak ang pakinabang, ‘yun ang hangganang hindi ko tatawirin.
At dahil dito, kailangang dumaan sa butas ng karayom ang pagbubusisi at pagbabalangkas ng nasabing proyekto; kailangan din ng hayag at malawakang konsultasyon para matiyak na tunay at ganap na napapangalagaan ang batas ng Pilipinas at ang pambansang interes, ang ating mga komunidad at kalikasan.
NEW MOVIE ALERT
One For The Road
Directed by: Kip Oebanda
Cast: JM Ibarra, ??, ??, ??
Screenplay by: Kip Oebanda, Victor Villanueva
Presented by: Regal Films
Release Date: Coming Soon
Happy Birthday to THE CLAUDINE BARRETTO!!!!! Grabe din talaga filmography nya no???? Imagine if hnde nagulo buhay nya baka until now nasustain nya yung ganito. TV and Movie actress tlga sya. Nakakamiss lang yung ganitong era nya. 😭😭😭😭
‘NASA 130K HANGGANG 190K NA TRABAHO’
Ibinahagi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at CEO Engr. Joshua Bingcang ang malaki umanong maitutulong ng Pax Silica sa bansa.
Makapagbibigay umano ito ng daan-daang libong trabaho para sa mga Pilipino at magpapalakas sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Seriously FAMAS? Ivana Alawi tied with Kara for Best Public Service host and her vlog winning public service? Nahiya pa kayo. Binigay nyo na lang sana sa kanya lahat.
And Cong TV for most breakthrough? Anong brineakthrough nya? Alam nyo ba ibig sabihin ng breakthrough?
Kaya dumadami basura e kasi you reward rubbish. Hahay Pilipinas.
Sigaw ng mga DDS , Rizal patalsikin, Rene , ipalit!
Tignan: Mga DDS sa TikTok nais alisin si Rizal dahil nangangawit na daw ito diumano dahil sa matagal na itong nakatayo.