‘IRREGULARITIES’ SA 2019 SEA GAMES?
Tinututukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y iregularidad sa mga pondo para sa isang sports complex sa New Clark City sa Tarlac na ginamit noong 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay NBI director Melvin Matibag, nakarating sa kanila ang impormasyong may bilyon-bilyong pisong pondo na may kaugnayan sa proyekto na hindi pa umano nali-liquidate.
Lumitaw din ang alegasyon na nakatanggap ng humigit-kumulang P10-bilyong bayad ang isang pribadong kumpanya nang wala umanong bidding, sa pamamagitan ng congressional insertions.
Hiwalay ito sa kontrobersyal na cauldron na muli rin umanong sisilipin ng NBI.