WATCH: Mismong si Sen. Raffy Tulfo ang pumuna sa naging aksyon ng isang pulis sa viral na insidente sa EDSA rally.
Ayon kay Tulfo, imbes na awatin o kontrolin ang mga rallyista na pumalibot sa isang motorcycle rider, ang rider pa umano ang pinagsabihan ng pulis.
Aniya, na-overwhelm na nga ang rider ng mga rallyista, siya pa ang napagalitan. Dahil dito, sinabi ni Tulfo na nais niyang matukoy ang pagkakakilanlan ng naturang pulis at iginiit na kailangan itong ma-retrain.
Marami tuloy ang nagtatanong: Kapag ang biktima na ang napapagalitan habang ang mga nanggugulo ay hindi agad naaawat, tama pa ba ang pagpapatupad ng kapulisan? ๐ค